Chapter 13 : My Beautiful Bodyguard

Chapter 13 : My Beautiful Bodyguard

“ Gising! “ ang sigaw ni Brixx matapos buhusan ng malamig na tubig ang hindi pa rin nagkakamalay na dalaga matapos latiguhin ng mga ito noong nakaraang gabi. Dahil tuloy doon ay gulat na nagising si Alex na habol ang hininga matapos siyang buhusan ng isang baldeng tubig sa mukha at katawan nito. “ Tubig lang pala ang gigising sa’yo. Akala namin patay ka na . Ano, Alex? Magpapakabait ka na ba? Kasi kung hindi pa rin dadagdagan pa namin ang latay mo sa katawan mo. Nagkakaintindihan ba tayo? “ wikang tanong nito habang sabu-sabunot ang buhok ni Alex.

“ Hindi ako natatakot sa inyo. Ngayon pa ba ako matatakot? Kung meron man ang dapat na matakot dito hindi ako iyon kundi kayo. “ wika nito na binigyan niya ito ng isang matalim na tingin at nakalolokong ngiti.

Tingin na nagsasabing hindi siya natatakot sa anumang gagawin ng mga ito sa kanya at ngiting nagsasabing makakaligtas din siya sa kamay ng mga ito.

“ Ang tapang mo talaga ha! Yan eh kung lalabas ka pa ng buhay dito mamaya. “ inis na wika ni Brixx sabay sipa kay Alex dahil sa pagkapikon nito sa sinabi ni Alex sa kanya bago binalingan ang dalawang babae na kasama nitong dumating kanina. “ Kayong dalawa diyan. Ayusan at gamutin ninyo sugat niyang babaing iyan. Pagkatapos paliguan ninyo at itali. Tapos puwede na kayong umuwi. “ utos nitong baling sa dalawang babae na katulong nila sa bahay.

“ Ye-yes, sir Brixx. “ ang kinakabahang sagot ng dalawang babae at magkatulong ng mga itong pinaupo ng maayos ang nanghihinang si Alex. Nang maiupo na ng mga ito si Alex ay iniwan na sila ni Brixx.

“ Ano po bang nangyare sa inyo? Ang dami ninyong sugat at pasa sa katawan. Pati sa paa meron din. “ usisa ng isang babae habang pinupunasan si Alex.

“ Oo nga, miss. Ang ganda pa naman ng kutis ninyo. Saka bakit po kayo nandito? “ ang tanong din ng isang babae.

“ Nagtangka po kasi akong tumakas kagabi kaso nahuli nila ako. Tapos may natapakan akong barbwire kaya may sugat ako sa paa ko. Hindi nila nagstuhan ang panlalaban ko sa kanila kaya nilatigo nila ako. Kaya nila ako kinuha at ikinulong dito para wala na sigurong titestigo. “ sagot niya sa mga ito.

“ Testigo saan? “ magkasabay na tanong ng mga ito.

“ Suspects sila sa pagpatay sa kapatid ko. Kaya alam ko gagawin nila ang lahat para patayin ako. Pero sisiguraduhin kong bago nila ako mapatay makukulong muna sila. “ ang galit na galit na wika ni Alex sa mga ito. “ Sana po tulungan ninyo ako. Pagkatapos po ninyo dito sana po magreport kayo sa pulis. Kailangang matapos na ang kasamaan nila. “ pakiusap na wika ni Alex sa dalawang babae habang titig na titig sa mga ito.

“ Pe-pero ba-baka kapag tinulungan ka namin kami naman ang mapahamak at ang pamilya namin. “ ang takot na sagot ng mga ito na nagkakandautal-utal pa.

“ Huwag po kayong matakot. Ako pong bahala. Saka hindi na sila makakapanakit oras na makulong na sila. Kaya po sana talaga matulungan ninyo ako. Aasa po ako na matutulungan ninyo ako. “ wika ni Alex na punum-puno ng pag-asa na matutulungan siya ng dalawang babae. Tingin kasi niya na makukumbinsi niya ang mga ito na tulungan siya.

“ Ano, Brixx kamusta na si Alex? Nagkamalay na ba? “ bungad na tanong agad kay Brixx ng mga kaibigan.

“ Nagkamalay na siya. Binuhusan ko ng malamig na tubig eh. “ sagot naman ni Brixx bago naghitit ng sigarilyo.

“ Sabi na sa inyo buhay pa ‘yon eh. Sana magtanda na siya. “ wika naman ni Wesley.

“ I don’t think so. Palaban pa nga kanina. Tayo raw ang dapat matakot at hindi siya. Masyadong matapang talaga. “ hirit naman ni Brixx.

“ Tingnan natin kung hindi umurong ang tapang niya dito sa baril ko mamaya. Papasayawin ko siya sa bala ko pagkatapos babarilin ko siya sa harapan ni Nicos. “ nakangising wika ni Mickey sabay tungga ng alak nito.

“ Papatayin ba natin agad, Mickey? Sayang naman ang ganda niya kung hindi natin mapapakinabangan tulad ng ginawa natin sa kakambal niya. “ ang banat naman ni Wesley.

“ Umandar na naman ang kamanyakan mo, Wesley. “ tatawa-tawang wika ni Brixx sa kaibigan. Kasi naman ito rin ang nagbigay ng ganoong ideya kay Mickey dati kaya nito nagawa ang bagay na iyon kay AJ.

“ Oo naman. Kung natikman natin kakambal niya siyempre dapat siya rin matikman natin. Titikman natin siya sa harap ni Nicos. Ewan ko lang kung hindi iyon magwala sa galit. “ sabay halakhak na wika ni Mickey sa mga kaibigan.

“ Alright! The best ka talaga, Mickey. “ ang tuwang-tuwang hirit ni Wesley sa sinabing iyon ng kaibigan.

Samantala sa bahay naman nila Nicos ay kanina pa ito nakabantay sa cellphone niya. Naghihintay ito ng tawag galing sa mga kidnapper ni Alex. Kahit may kutob na siyang kilala niya ang mga ito ay umaasa pa rin siya na hindi ang mga iyon ang kumidnap sa kanyang minamahal na si Alex. Nagbabakasakali siyang tatawag muli ang mga ito. Bago maghapon ay nakarecieve nga siya ng tawag. Agad niyang sinagot iyon.

“ Hello! “ ang mabilis na sagot ni Nicos.

“ Aba! Ang bilis mong sagutin ah! Siguro kanina mo pa hinihintay ang tawag ko. Gusto ko alas-siyete ng gabi nandito ka na. Dahil kung wala pupugutan namin ng ulo si Alex. Huwag na huwag kang magsusumbong sa pulis kung ayaw mong masaktan ang pinakamamahal mong si Alex. “ pagbabanta ni Mickey sa kabilang linya.

“ O-oo. Pa-pangako. Hindi ako magsusumbong sa pulis basta huwag na huwag ninyong sasaktan si Alex. Ni gagalusan huwag na huwag ninyong gagawin dahil sa akin kayo mananagot. “

“ Huwag mo kaming takutin, Nicos. Gagawin namin ang gusto namin kay Alex. Kung ayaw mong may mangyaring masama kay Alex dumating ka sa takdang oras ng sinabi namin sa iyo. Sa bakanteng building sa Marikina. Walang pulis ha! “ sabay pindot na nito sa end button. Hindi na tuloy nakasagot si Nicos.

Pagkatapos makipag-usap ni Mickey kay Nicos ay sumakay na ito sa kotse nito para muling pumunta sa kanilang hideout. Umuwi kasi ito at ang ibang mga kaibigan para maligo pagkatapos maayusan ni Alex ng dalawang babae.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may mga matang nakamasid sa kanya— si Thor.

Kadarating lang nito sa kanilang bahay galing sa pagkakaospital ng halos apat na araw dahil sa pagkakaaksidente niya. Naibangga niya ang kanyang kotse sa isang puno sa kanyang pag-iwas sa truck ng gabing inamin niya ang lahat kay Alex. Pinangako niya na mabuhay lang siya ay itatama niya ang lahat ng kanilang naging kasalanan sa pamilya nila Alex kahit na alam naman niyang hindi naman grabe ang kanyang natamo.

Kanina pa nito hinihintay ang kanyang kapatid para kausapin ito pero ng makita niya ito sa labas ng kanilang bahay na may tinatawagan sa cellphone ay nagtago muna siya sa bintana. Mula doon ay narinig niya ang pakikipag-usap nito sa cellphone. Tiyak niya na may ginawa ang kanyang kapatid lalo na ng marinig nito ang pangalan ni Alex. Kaya imbes na magpakita siya sa kapatid ay hindi na. Lalo na nakita na nitong sumakay na ito ng kotse. Kaya naman agad na niyang sinundan ito.

Si Nicos naman pagkatapos ng pag-uusap nila ng lalaking kidnaper ni Alex ay agad na itong umalis para puntahan ang mga magulang ni Alex para sabihin sa mga ito na alam na niya kung nasaan ang anak ng mga ito at kanyang ililigtas ang anak ng mga ito.

“ Sinusumpa ko po, ililigtas ko si Alex. Iuuwi ko po siya ng buhay sa inyo. “ paniniguradong wika ni Nicos sa mga magulang ni Alex.

“ Aasahan namin iyan, Nicos. Iligtas mo si Alex. Hindi na namin kakayanin kung mamamatayan pa kami ng isang anak. “ mangiyak-ngiyak na wika ng ina ni Alex.

“ Mag-ingat ka rin, Nicos. “ ang ama naman ni Alex.

“ Opo! Mag-iingat po kami. Ipagdasal mo po kami. Salamat po. “ wika ni Nicos bago sumakay na sa sasakyan nito. Mula doon ay uuwi na muna siya dahil may nakalimutan siya.

Pagkababang-pagkababa ni Nicos sa kotse nito ay agad na siyang tumungo sa kanilang bahay para kunin ang naiwan nito. Paglabas nito ay may bitbit na itong bag na puno ng pera. Papasok na sana siya ng kotse ng biglang sulpot ng isang lalaki sa kanyang likuran. Kanya itong sinugod agad.

“ Walanghiya ka! May gana ka pang magpakita sa akin pagkatapos ng lahat ng ginawa ninyo kay AJ. Tapos ngayon si Alex naman ang gagawan ninyo ng kademonyohan ha! Mga hayop kayo. “ ang galit na galit na wika ni Nicos sa lalaking hawak-hawak nito sa kuwelyo.

“ Alam ko malaki kasalanan namin. Handa akong pagbayaran ang lahat. Pero bago iyon iligtas na muna natin si Alex. Alam ko kung nasaan si Alex. “ ang pag-amin na wika naman ni Thor.

“ Talagang alam mo kung nasaan si Alex dahil kasabwat ka nila Mickey. Hindi mo na ako maloloko. Huwag ka ng magtangka na iligtas pa si Alex. Dahil alam kong isa ka sa papatay sa amin. “ galit pa ring wika ni Nicos dito na binigyan ng matalim na tingin si Thor.

“ Wala akong alam sa mga ginagawa nila Mickey. Kakalabas ko lang ng ospital. Tingnan mo nga itsura ko kung nagsisinungaling ako. “

Tiningnan nga ni Nicos ito. May benda ito sa ulo at ang kamay parang nakasemento ang kaliwang kamay. Tila nanghihina pa nga ito na pilit lang pinalalakas ang sarili.

“ Sana nga, Thor nagsasabi ka ng totoo. Dahil kung hindi sa akin ka mananagot. “ bantang hirit nito na sumakay na ng kotse niya at iniwan na si Thor na agad naman sumakay sa dalang kotse nito. Sumunod ito agad kay Nicos.

“ Mga ilang minuto na lang, Alex darating na si Nicos. Excited ka na ba? “ ngingisi-ngising wika ni Mickey ng pumasok sa silid na pinaglagyan nila kay Alex.

“ May dapat ba akong ikaexcited, Mickey? Dapat kayo ang maexcite dahil hindi matatapos ang gabing ito matatapos na ang mga kahayupan ninyo. “ pang-inis na sagot ni Alex dito na nilangkapan pa ng nakakalokong tawa.

“ Hindi ka pa yata nadala sa paglatigo namin sa iyo ah! Talagang nang-iinis ka pa diyan. “ inis na sabi ni Wesley sa sinagot na iyon ni Alex.

“ Oh bakit? Nanginginig ka na ba sa takot ha? “ patuloy pa rin nitong pang-iinis.

“ Hindi kami natatakot! Sisiguraduhin naming mamamatay muna kayo bago kami mahuli ng mga pulis. Lalong-lalo na si Nicos. “

“ Hindi talaga kayo mga takot ha! Eh bakit kailangan pa ninyo akong kidnapin para makuha ninyo si Nicos? Ibig sabihin lang mga duwag kayo. Mga duwag! Kailangan pa ninyo ang isang babae. “

“ Hindi kami duwag! “ galit na sigaw ni Wesley sabay sampal kay Alex.

“ Easy lang, Wesley. Iniinis lang tayo niyang babaing iyan. Huwag tayong padadala. Huwag mo ng saktan. Malapit ng dumating si Nicos. “ pagsaway na sambit ni Brixx sa kaibigan na hinawakan ang duguang labi ng dalaga dahil sa lakas ng pagkakasampal dito ni Wesley. “ Ikaw naman kasi huwag kang masyadong palaban kung ayaw mong nasasaktan. “

“ Tama na ‘yan. Ayusin niyo na siya. Malapit ng dumating si Nicos. Kailangang hindi makita ang mga sugat niyan baka magwala sa galit si Nicos. “ pagsusuway ni Mickey sa mga kaibigan.

Lingid sa kaalaman naman ng mga ito ay dumating na si Nicos. Bitbit na nito ang bag na puno ng pera. Medyo madilim sa loob ng gusaling iyon. Konti lamang ang may ilaw. Papasok na ito sa loob. Hindi pa man siya nakakapasok sa pinakaloob ng gusali ay bigla na lang may malakas na pumukpok sa kanyang ulo. Unti-unti na itong bumagsak sa semento at nawalan na ng malay.

Advertisements
Posted in Uncategorized | Leave a comment

Chapter 12 : My Beautiful Bodyguard

Chapter 12 : My Beautiful Bodyguard

“ Nicos,nicos,nicos,alam mo ba kung sino ang hawak namin ngayon? ” ang wika ng kidnapper ni Alex na nasa kabilang linya.

“ Hindi. Sino siya? And who the hell are you? ” mabilis na tanong niya sa kausap.

“ Well, siya lang naman ang babaing pinakamamahal mo. We need 100 million ransom kung gusto mo pang makitang buhay ang babaing ito. Magkita tayo bukas ng gabi sa abandonadong building sa Marikina. Huwag na huwag kang magsusumbong sa pulis dahil kapag nalaman namin hindi kami magdadalawang isip na patayin ito. Sayang, napakaganda at napakaseksi pa naman niya para lang pagpiyestahan ng mga uod, hindi ba, Nicos? “ ang mala-demonyong wika ng kidnapper kay Nicos na hindi sinagot ang kanyang huling tanong dito.

“ Paano akong makakasiguradong siya nga iyan at hindi mo ako niloloko? tanong ni Nicos na nag-aalala na rin dahil alam niyang nawawala na nga si Alex ng tatlong araw. Hindi lang niya naisip na baka makidnap ito. Dahil alam niya na hindi basta-basta magagawan ng masama ito kasi marunong ito ng iba’t-ibang martial arts. At nakausap pa nga niya ito noong nakaraang araw ang tapang-tapang pa nga.

“ Talagang naninigurado ka ha! Well, ito pakinggan mo siyang mabuti, Nicos. Magsalita ka babae. ” wika nito sabay lagay sa tenga ni Alex ng cellphone.

Hindi naman nag-aksaya ng oras si Alex at nagsalita siya agad.

“ Nicos, makinig ka kahit anong mangyare huwag na huwag kang pupunta dito dahil pa— “ hindi na natapos ni Alex ang kanyang gustong sabihin dahil agad ng kinuha ng kidnapper ang cellphone.

“ Alex, huwag kang mag-alala diyan dahil ililigtas kita. Mahal na mahal kita. “ ang maagap na wika niya kay Alex ngunit hindi na ito narinig pa ni Alex bagkus ang kidnapper na ang nkarinig niyon.

“ Wow!how sweet of you naman, Nicos. Ang baduy at ang corny mo, pare.” ang pang aasar na wika nito sa narinig kay Nicos sabay halakhak ng nakakaloko.

“ Dont you dare hurt her. Ako makakalaban mo kung sino ka man.” ang pagbabanta niya sa kausap. Pero may hint na siya kung sinuman iyon. Kaya lang ayaw niyang ipaalam sa kausap dahil baka mas mapahamak pa si Alex.

“Siguro naman naniniwala ka na sa akin,Nicos? Magkita tayo bukas ng gabi at huwag na huwag kang tatawag ng pulis. Alam mo na mangyayare.” paalala nito sa kanya at sabay pindot na ng end button.

“ Walanghiya kang babae ka ibubuko mo pa ako sa Nicos na iyon ha! ” galit na galit na wika nito kay Alex pagkasampal nito. Sa lakas ng pagkakasampal niya kay Alex ay bumagsak ito sa sahig na nakatali pa rin sa upuan habang may may piring ang mata.

“ Bukas na bukas mamamatay na ang pinakamamahal mong si Nicos. Magiging akin ka pa. Sa harap mismo ng Nicos na iyon kita aangkinin. Kaya humanda ka bukas.” wika nito sabay halakhak na parang isang demonyo na ang mga mata ay nanlilisik sa galit.

“Ano bang ginawa namin ni Nicos sa iyo at ginagawa mo ito sa amin?” ang pagtatanong ni Alex kahit na takot na takot na siya sa lalake.

“ Ang totoo nito nadamay ka lang naman sa galit ko noong una kay Nicos. Kaya lang napakapakialamera mo kasing babae ka eh. Ang alam ko noong una, ikaw lang ang magagamit ko para makaganti sa kanya. Lalo na kapag inangkin kita sa harap niya mismo. Napakaganda mo talaga. Nakakapanggigil ka. Kaya lang papatayin din kita mismo sa harapan niya eh. ” pagtatapat na wika nito sabay halakhak na nakakaloko talaga.

“ Sino ka bang talaga at bakit ganyan na lang katindi ang galit mo kay Nicos? ” ang tanong niya ulit dito. Wala na siyang pakialam kung makulitan na sa kanya ang lalake.

“ Malalaman mo rin kung sino ako bukas na bukas din. Sabay ninyong malalaman ni Nicos kung sino ba talaga ako.” mabilis na sagot nito at iniwan na siya nitong nag-iisa pagkatapos kintalan ng halik sa pisngi.

Sa kanyang pag-iisa ay hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-isip kung sino ba talaga ang lalaking kumidnap sa kanya at bakit ganoon na lang ang galit ng lalake kay Nicos.

“ Diyos ko kayo na pong bahala sa amin bukas sa kamay ng lalakeng ito.” wikang kausap niya sa sarili na may halong dasal dahil alam niya sa sarili na tanging ang Diyos na lamang ang may alam kung makakaligtas ba sila bukas.

Pagkatapos ng pag-uusap nila Nicos at ng kidnapper ay agad ng pumunta ng bangko si Nicos para ayusin ang hinihingi ng mga ito na ransom. Wala siyang pakialam kung maubos ang kanilang kayamanan. Basta ang importante sa kanya ay masigurado niyang magiging maayos ang lahat para bukas. Sisiguraduhin niyang magiging ligtas ang babaing kanyang pinakamamahal ng higit pa sa kanyang buhay. Hindi man siya mahal nito ay wala siyang pakialam basta ang mahalaga ay mailigtas niya si Alex kahit ang maging kapalit nito ay ang kanyang buhay pa.

“ Miss Beautiful, ito pagkain mo. Kumain ka na. ” wika ng isang lalaking tauhan ni Mickey ng dalhan nito si Alex ng makakain sa maliit na silid na pinagtaguan dito.

“ Hindi ako nagugutom. Sabihin mo yan sa amo mo. ” ang galit na sagot naman ni Alex sa lalake habang nakapiring pa rin ang mga mata at nakatali ang mga kamay.

“ No, Alex! Dapat kumain ka. Kailangan mo makatakas. Kapag kumain ka tatanggalin nila ang tali mo sa kamay at ang piring mo sa mata. Kung paano ka makakatakas saka mo na isipin iyon. Ang mahalaga malakas ka pag tumakas ka.” Wika ng kanyang isip kay Alex.

“ Alam mo,miss huwag mong hintayin na magalit pa sa’yo si boss. Kasi sinasabi ko na sa’yo hinding-hindi ka no’n sasantuhin. ” Sagot naman ng lalaki kay Alex.

“ Paano naman ako makakakain tingnan mo nga nakatali ang kamay at paa ko. Pati mga mata ko nakapiring paano ko makikita ang kinakain ko?” ang mataray na singhal ni Alex sa lalake.

“ Ay oo nga pala! Pasensiya na! Pero bago ko tanggaling yang piring mo sa mata at tali mo sa kamay huwag na huwag kang magtatangkang tumakas. Kasi hindi ako magdadalawang-isip na barilin ka. Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong nito matapos siyang pagbantaan.

“ Oo naman. Sa tingin mo kaya makakatakas ako sa inyo? Alam ko todo bantay ninyo. Kaya gustuhin ko man tumakas alam kong mababalewala lang ang pagtakas ko dahil mahuli’t mahuhuli ninyo ako. “ ang pagsisinungaling niya na sinamahan pa ng kaunting arte para mapaniwala niya ang lalake.

“ Mabuti na ‘yong nagkakaintindihan tayo. Kasi bago ako malagot kay boss ikaw muna ang malalagot sa akin.” Sagot ng lalaki na tingin niya ay napaniwala naman niya habang tinatanggal ang tali niya sa kamay.

“ Oo na. Bilisan mo na diyan. Nagugutom na ako. “ sigaw niya dito at sa likod niyon ay tuwang-tuwa din siya dahil titiyakin niyang makakatakas siya ngayong araw na iyon. Pagkatapos tanggalin ng lalaki ang kanyang pagkakatali sa kamay ay iniwan na siya nito. Siya na rin ang nag-alis ng kanyang piring sa mata. Pagkaalis niya ng piring sa mata ay medyo malabo pa ang kanyang tingin sa paligid dahil na rin sa tagal ng pagkakapiring sa kanyang mata. Makalipas lang ng ilang minuto ay naging normal na ang kanyang paningin. Tiningnan niya ang kabuuan ng paligid. Nasa maliit siyang silid. May isang mesa at may dalawang mahabang upuan ang nandoon at isang upuan na kanyang inuupuan. Ang kanyang pagkain na dinala ng lalaki kanina ay nakalagay lang sa semento. Nakalagay pa iyon sa plastic. Plastic ng Jollibee.

“ Wow! Sosyal naman ng mga kidnapper mo. Jollibee pa ang food mo. “ tudyo ng kanyang isip.

Kanya iyon kinuha at binuksan ang mga nakalagay doon. May dalawang Styrofoam ang nandoon. Ang una niyang nabuksan chicken at rice at ang pangalawa ay spaghetti naman. Sa isang plastic pa ay may laman pang hamburger at dalawang softdrinks. Ang pinagpasyahan niyang kainin ay ang hamburger lang. Hindi siya dapat magpakabusog. Kailangan niyang makatakas agad. Sigurado siya matatagalan bago siya tingnan ng lalaking nakabantay sa kanya kanina dahil sa dami ng pagkaing binigay nito sa kanya. Bago kumain ay inalis na muna niya ang tali sa kanyang mga paa at ng maalis iyon ay kumain na muna siya. Nang nangalahati na ang hamburger na kanyang kinakain ay lumapit siya sa bintana ng silid na iyon. Doon niya nalaman na nasa mataas silang building. Tiyak niya isa itong abandonadong gusali. Kaya kailangan niyang kumilos agad dahil hindi madaling makatakas sa lugar na iyon. Makalipas lang nag ilang minuto ay kumilos na siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan para tingnan kung naisarado ba iyon ng lalaki kanina. Bago buksan ang pinto ay nakiramdam na muna siya kung may tao sa labas. Dapat hindi siya maramdaman nito para hindi mapurnada ang gagawin niyang pagtakas. Nangmakalapit na siya sa may pintuan ay kanyang dinikit sa may dahon ng pinto ang kanyang tenga para marinig kung may tao sa labas. Nang kanyang mabatid na wala ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Noong umpisa ay nahirapan siyang buksan pero ng magtagal ay naging madali na. Nang kanya ng mabuksan ang pintuan ay hindi na siya nagdalawang isip pa agad siyang kumaripas ng takbo pagkatapos niyang isaradong muli ang pinto para hindi isipin ng lalaki kanina na tumakas siya.

“ Ano kayang balak nila boss kay miss beautiful noh?” biglang tanong ng isang lalaki na tauhan din nila Mickey.

“ Oo nga eh. Sayang naman kung papatayin nila boss.” Sagot naman ng naghatid ng pagkain kanina kay Alex. Dalawang tauhan lang sila na nandoon.

“ Sayang talaga. Hanep pa pati katawan. May nakadale na kaya sa kanya?” may pagkamanyak pang wika ng isa na ngingisi-ngisi pa.

“ Aba’y malay ko. Umandar na naman ang pagkamanyak mo, pare.” Hirit naman ng isa na sinabayan pa ng halakhak.

“ Sino ba kasi ang hindi magiging manyak kung kasingganda at kasing seksi ng babaing iyon noh? Matikman ko lang iyon pwede na akong mamatay.” ang nangangarap na wika pa nito.

Habang patakas si Alex sa abandonadong gusaling iyon ay medyo nahihirapan siyang makakita ng mga lalabasan dahil puro sarado ang kanyang nakikitang labasan at isa lang ang nakita niyang labasan sa may kaliwang bahagi ng gusali. Agad niyang pinuntahan iyon ngunit papunta palang siya ay nakita na niyang may mga lalaking nag-uusap sa baba tiyak niya aakyat ang mga iyon kaya naman mabilis siyang naghanap ng matataguan. May nakita siyang may mga drum at mga kahoy na malapit sa kanyang puwesto kaya agad siyang pumunta doon kaya lang dahil sa pagmamadali ay hindi niya napansing may mga barbwire na nakaharang sa kanyang dadaan. Dahil sa pagmamadali ay hindi siya nakaiwas sa barbwire na nandoon. Kanya iyon natapakan. Hindi lang isang paa ang nakatapak doon kundi dalawang paa niya. Wala kasi siyang suot na sapin sa paa dahil tinanggal nga niya.Hindi an niya sinuot dahil sa pagmamadali niyang tumakas.

“ Aaarrr— “ hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin dahil nakita na niya ang mga lalaki na paakyat na ng hagdan. Bagkus ay naitutop na lang niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig. Makikita mo pa sa mukha niya kung gaano kasakit ang kanyang sinapit sa pagkakatapak sa barbwire na iyon. Bakas na bakas talaga ang sakit na kanyang nararamdaman habang tinatanggal ang kahoy sa kanyang paa. Mangiyak-iyak ito habang inaalis iyon. Halos buong talampakan niya ang natusok sa barbwire na iyon at sa isa naman niyang paa ay sa may bukung-bukong lang ang nadale pero magkagayunpaman ay masakit pa rin iyon. Halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Kilala niya ang tatlong lalaki na iyon.

“ Sinasabi ko na nga ba! “ ang hindi napigilang sabi ni Alex habang nakatingin sa mga lalaki at hindi alintana ang sakit at kirot ng kanyang paa na nagdurugo.

“ Di’ba, kaibigan sila ni Nicos? Ano’ng ginagawa nila dito? Huwag mong sabihin na? “ wika ng kanyang isip.

“ Galit sila kay Nicos? Pero bakit? Magkakaibigan sila ah! “ naguguluhan niyang sabi sa sarili.

“ Kailangan kong makalayo at makatakas dito ngayon. “ wika niyang muli sa sarili bago tumayo. Kahit masakit ang mga paa ay nagsimula na itong maglakad kahit paika-ika.

Bago pa man siya makarating sa hagdanan ay nakarinig na siya ng malakas na sigaw ng isang lalaki. Galit na galit ito. Marahil nalaman na ng mga ito na nakatakas siya. Kaya naman dahil doon ay nagmadali na siyang makababa sa hagdanan kahit na kitang-kita sa mukha nito ang sakit. Kailangang makalayo na siya sa lugar na iyon.

“ Mga tonta! Mga tanga! DI’ba sinabi kong bantayan ninyong mabuti? Bakit nakatakas? “ ang galit na galit na wika ni Wesley sa dalawang tauhan nila.

“ Ito kasi, boss pinakain mag-isa eh.” sisi ng isa sa isang kasama.

“ Sorry, boss sabi niya kasi hindi naman siya tatakas eh. “ paliwanag naman nito na kakamot-kamot sa ulo.

“ Bobo! Aamin ba ‘yon sa’yo? Hanapin ninyo, bilis! Kayong dalawa ang mananagot sa akin kapag nakatakas ang babaing iyon.” Galit na sigaw ni Mickey.

Dahil sa sinabing iyon ni Mickey ay natakot ang dalawang tauhan agad na itong mga nagsikilos.

“ Tanga mo naman kasi. Dapat ikaw na lang ang nagpakain sa babaing yon! Ayoko pang mamatay sinasabi ko sa’yo. Dapat nating makita ang babaing iyon. Sasamain talaga sa akin ang babaing iyon kahit na maganda at seksi pa siya. Talagang masasakrtan siya sa akin.” Pagbabanta ng lalaking iyon na talagang tinaas ang kamay at kinuyom iyon dahil tuloy doon ay nakita tuloy na seryoso ito.

“ Kesa pumutak ka diyan ng pumutak ang gawin mo linawan mo yang mga mata mo para makita natin siya. Saka sino ba ang gustong mamatay na? Kahit ako ayoko pang mamatay noh.” Hirit na sagot naman ng isa.

Bawat sulok at mga silid sa bakanteng gusali na iyon ay tiningnan na ng dalawang lalaki subalit hindi nila makita ang babae. Ang bawat kilos naman ng dalawang lalaking iyon ay kitang-kita ni Alex. Nakakubli siya sa may hindi kalayuan sa mga ito. Hanggang sa naghiwalay ang mga ito sa paglibot sa buong gusali pero hindi siya ng mga ito nakita. Nang makita niyang muling umakyat ang mga ito ay doon na siya muling kumilos. Sa tagal ng kanyang paglalakad sa paghahanap ng labasan sa wakes kanya na itong nakita. Nang kanyang makita na ang labasan sa gusaling iyon ay mas binilisan na niya ang paglalakad sa kabila ng pananakit na ng kanyang mga paang sugatan. Nang mga ilang hakbang na lang ang kanyang lapit para ganap na siyang makalabas sa gusaling iyon ay bigla na lang siyang nakarinig ng isang malakas na putok ng baril at dahil sa lakas niyon ay kanya iyon ikinagulat ng sobra.

“ Hanggang diyan ka na lang, Alex. Huwag mo kong susubukan. “ pagbabanta ng boses ng lalaki. Hindi man niya nakikita ang mukha ng lalaki ay batid niyang si Mickey iyon.

Pero hindi siya nagpahalata ng takot dito bagkus ay naglakad muli si Alex.

Isa muling putok ng baril ang binitiwan nitong muli.

“ Isa pang hakbang, Alex sasabog na ‘yang ulo mo. Sige, hakbang pa. Hakbang! ”

Humakbang pa ngang muli si Alex. Nagpaputok na naman ito pero this time hindi na ere kundi na semento na kung saan sa kinapupuwestuhan na niya.

“ Last warning na, Alex. Huwag mo kong gagalitin! Maiksi lang pasensya ko! “ muling banta nito.

“ Patayin mo na ko kung papatayin mo ko!” ang singhal na wika ni Alex sa lalaki habang nakatalikod pa rin dito.

“ Huwag kang atat, Alex! Dadating din tayo diyan. “ sabay hablot na wika ni Mickey sa dalaga ng makalapit siya sa kinaroroonan nito at kinaladkad na niya si Alex paakyat sa silid na pinagdalhan nila dito kanina.

“ Alam mo mabait naman kami sa’yo eh. Huwag mong hintaying mapuno ako sa’yo. Dahil talagang tatamaan ka sa akin.” wika ni Mickey kay Alex habang hawak-hawak ito ng mahigpit sa braso nito. “ Kayo, bantayan ninyong mabuti itong babae na ito.” sabay tulak nito kay Alex. Dahil doon ay napasubsob itong dalaga sa semento.

“ Pasalamat ka iyan lang inabot mo. Galitin mo pa kami makakatikim ka na.“ wika naman ni Brixx.

“Hindi ako natatakot sa inyo. Mga hayop kayo! Sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa bilangguan pag nakawala ako dito.” Galit na wika ni Alex sa mga ito.

“ Ang tanong kung makakawala ka pa diyan. Hindi mo ba alam mamamatay ka na. Kayo ni Nicos. “ sabi naman ni Wesley habang hawak-hawak ito sa pisngi.

“ Ikaw ang mamamatay!” ang wika ni Alex sabay sapak sa mukha ni Wesley. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi nakaiwas itong lalaki. Sapul na sapul ito sa mukha. Sa may ilong ito natamaan. Dahil sa sensitive ang ilong ay agad iyong dumugo.

“ Tarantado ka ah!” wika ni Wesley na susugurin si Alex mabuti na lang agad itong naharang ni Brixx.

“ Easy lang, Wesley. Baka mapatay mo siya. Bukas mo na lang ireserba ang galit mo sa kanya. Inom na lang muna tayo doon. May alak akong dala.” Pagpapahinahon ni Brixx sa kaibigan.
“ Ulitin pa yon, Alex hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo.” Bantang muli ni Mickey habang apak-apak ang sugatang paa ni Alex. Kanina pa kasi napansin ni Mickey na nagdudugo iyon. Sigurado siya sugat iyon at may natapakan marahil ito kaya nagdudugo iyon. Wala kasi itong suot na tsinelas o sapatos kanina ng makita niya. Habang apak-apak iyon ni Mickey ay kitang-kita niya si Alex an pinipigilan lang ang sarili ang huwag mapasigaw sa sakit sa kanyang pagkakaapak sa paa nito.

“ Ang tapang talagang babae.” Ang bilib na wika ni Mickey sa sarili dahil sa pinapakitang tapang ni Alex sa kanila.

“ Wala akong pakialam.” Sagot ni Alex sabay dura sa mukha ni Mickey.

“ Damn!” ang hindi napigilang sigaw ni Mickey matapos siyang duraan sa mukha ni Alex. “ Alam mo bang iyon ang pinakamalaki mong pagkakamaling ginawa? Walang sinuman ang puwedeng gumawa ng bagay na iyon sa akin.” Pagkasabi niyon ay isang malakas na suntok sa sikmura nito ang pinakawalan ni Mickey. Dahil sa lakas niyon ay namilipit sa sakit si Alex. Ito ay napaupo habang namimilipit sa sakit.

Pag-angat ng ulo ni Alex para tingnan si Mickey ay isang malakas na hampas ang pinakawalan nito. Ang pinanghampas nito ay ang sinturon nito na ang dulo ay bakal. Lumatay iyon sa kanyang likod. Hindi pa ito nakuntento pinaghahampas siya nitong muli ng paulit-ulit sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan. Pati ulo nga niya ay natatamaan.

“ Mickey, mahina iyang sinturon na yan. Ito gamitin mo.” Ang ngingisi-ngising wika ni Wesley sa kaibigan sabay wagayway ng hawak-hawak nitong latigo.

“ Umpisahan mo na, Wesley. Napagod ako sa paghampas eh. Ilabas mo ang galit mo diyan. Ginalit ako eh.”

Dahil sa narinig na iyon ni Wesley ay litang-kita sa mukha nito ang saying nararamdaman ng mga oras na iyon.

“ Well, pasensyahan na lang. Ito lang bagay sa tulad mong matapang. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapan mo. “ pagkasabi niyon ay nagpakawala na ito ng isang malakas na paglatay sa babae.

Puro sigaw ni Alex ang naririnig sa kabuuan ng gusaling iyon dahil sa sunud-sunod na paglatigo dito sa iba’t-ibang parte ng katawan. Duguan na si Alex ng lubayan ni Wesley. Nang mapagod ito ay pinasa naman iyon ni Wesley sa dalawa nilang tauhan habang sina Mickey at Brixx ay nakatingin lamang sa mga ito. Halos manhid na ang katawan ni Alex sa hataw ng latigo sa kanyang katawan ng mga ito. Nang makita na nilang duguan na ng sobra si Alex at hirap na hirap na ay doon palang nila pinagpasyahan na itigil na ang ginagawang paglatigo dito. Hindi na nga ito makasigaw ngayon dahil sa pagod at sakit na nararamdaman.

“ Siguro naman ngayon, Alex magtatanda ka na. Pasalamat ka may awa pa kami sa’yo.” Wika ni Mickey kay Alex habang sabu-sabunot nito ang buhok ng dalaga na halos wala ng malay sa ginawa ng mga itong paglatigo dito.

“ AJ, tulungan mo ko. God, help me please.“ ang mga katagang sinabi ni Alex bago ito nawalan ng malay.

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Chapter 11 : My Beautiful Bodyguard

Chapter 11 : My Beautiful Bodyguard

“ Alex, ano’ng problema mo? Bakit ka umiiyak? Nag-away ba kayo ni Thor? “ ang sunud-sunod na tanong ni Nicos na bakas sa boses at itsura nito ang pag-aalala sa dalaga ng maabutan niya ito sa garden na umiiyak pa rin.

“ Puwede ba, Nicos huwag na huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng kaibigan mo. “ singhal na sagot ni Alex sa nag-aalalang binata.

“ Bakit? Ano bang nangyare sa inyo? “ tila naguguluhang tanong muli ni Nicos sa umiiyak na dalaga dahil sa sinabi nito.

“ Just leave me alone, Nicos. I want to be alone. “ imbes na sagutin ang tanong nito ay iyon ang sinagot ni Alex. Ibig sabihin lang niyon ay ayaw nitong sagutin o pag-usapan man lamang iyon.

“ No! I stay here. I want to help you. “ tanggi naman ni Nicos sa pagpapaalis ni Alex sa kanya. Totoo namankasi ang sinabi niya dito gusto niyang tulungan ito. Gusto na nga niyang yakapin ng mga sandaling iyon si Alex. Gusto niyng maramdaman nito na nandoon siya handa siyang damayan.

“ Alam mo kahit magstay ka pa hindi mo ako matutulungan sa problema ko, Nicos. Wala kang maitutulong. Wala! “ irita na nitong sabi dahil mukhang wala pa rin itong balak na iwan siya.

Sa mga sandaling iyon ay gustong-gusto na niyang mapag-isa dahil gusto niyang magawa ang kanyang gusto. Gusto niyang sumigaw ng malakas na malakas at umiyak ng umiyak ng umiyak hanggang sa wala na siyang mailuluha pa. Sobra siyang nabigla at nasaktan sa kanyang mga nalaman mula kay Thor. Gustung-gusto niya itong pagsusuntukin, bugbugin at patayin kanina ng umamin ito sa ginawa nilang krimen sa kanyang kapatid. Ang sama-sama nila para gawin iyon sa kanyang kapatid. Wala silang awa at wala silang mga puso.

“ Sabihin mo nga sa akin para malaman ko at para matulungan kita. Gusto kitang tulungan, Alex. “

“ Gusto mo talagang malaman kung ano ang problema ko? Gusto mo? “ inis na inis na singhal nit okay Nicos dahil sa pangungulit nito sa kanya.

“ Kilala ko na ang mga pumatay sa kapatid ko. “ ang sagot ni Alex sa binata.

“ Si-sino? “ ang kinakabahang tanong nito.

“ Mga kaibigan mo. Mga kaibigan mo ang pumatay sa kapatid ko. “ umiiyak nitong sagot.

“ Mga kaibigan ko? Pero imposible! Lalong-lalo na si Mickey. Mahal namahal niya si AJ. “ ang hindi nito napigilang sabi sa pagkabigla sa narinig na sabi ni Alex.

Dahil naman sa sinabing iyon ni Nicos ay napaisip na si Alex. Hindi nito kilala si AJ pero bakit nasabi niya iyon.

“ A-anong sabi mo, Nicos? A-akala ko ba hindi mo kilala si AJ? “ ang naguguluhang tanong na ni Alex.

“ Wa-wala akong sinabi. “ pagsisinungaling nito.

“ Huwag mo akong lokohin, Nicos. May sinabi ka. “

“ Wala! “ ulit nitong sagot.

“ Dont tell me kasabwat ka ng mga kaibigan mo sa pagpatay sa kapatid ko, Nicos? “ tanong nito na hindi inintindi ang sagot nito kanina.

“ Hindi! Wala akong alam. Kilala ko si AJ pero wala akong alam sa nangyare sa kanya. “ pag-amin na rin nito sa kalaunan pero halatang natutuliro ito. “. Saka imposible ang sinasabi mong pinatay nila si AJ. Mahal na mahal ni Mickey si AJ. “

“Imposible, Nicos? Ginawa na nila. Ginawa na nila sa kapatid ko. Tinanong din kita noong death anniversary kung kilala mo si AJ pero ang sabi mo hindi. So, tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mong wala kang kinalaman sa pagpatay sa kapatid ko? “ ang galit na galit na wika ni Alex kay Nicos sa narinig nitong sabi kanina. “ Unang-una palang nagsinungaling ka na. Hinding-hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa ninyo sa kapatid ko.

“ Alex, nagsasabi ako ng totoo. Wala akong kinalaman sa pagpatay sa kapatid mo. Hindi ko magagawa iyon kay AJ. Mamatay man ako ngayon hinding-hindi ko magagawa iyon kay AJ. “

“ I don’t believe you, Nicos. Ito lang sasabihin ko sisiguraduhin kong makukulong kayong lahat. Hindi ninyo mabibili ng yaman ninyo ang batas. Kung mangyare man iyon, ako mismo ang papatay sa inyo. Walang kapatawaran ang ginawa ninyo sa kapatid ko. “ banta nitong sabi bago iniwang mag-isa si Nicos sa garden.

“ Sorry, Kuya. Hindi na talaga kaya ng konsensya ko. Sorry, AJ. Sorry Alex. Patawarin ninyo ako. “ iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Thor habang umiiyak na nagmamaneho sa kotse nito. Dahil doon ay hindi nito namalayang may paparating na malaking truck. At iyon na ang huling kita kay Thor.

Habang nasa kuwarto na si Alex at isa-isa nitong inaayos ang mga damit sa kanyang bag. Kasalukuyan ay umiiyak pa rin ito. Hindi makapaniwala sa mga nalaman niya. Bukas na bukas ay magreresign na siya. Kung maaari nga lang ay aalis na siya ngayon din kaya lang tulog na ang mag-asawang Salvatierra. Ayaw naman niyang umalis ng hindi nakikipag-usap ng maayos sa mga ito. Pumayag man ang mga ito o hindi ay aalis pa rin siya. Lalo na alam na niyang isa si Nicos sa mga pumatay sa kanyang kapatid. Hinding-hindi na niya gugustuhing makita at makasama pa ito. Pero bakit kahit anong pilit niyang isaksak sa kanyang kukote na may kinalaman ito sa pagpatay sa kanyang kapatid ay may tumututol. Ayaw maniwala nito na magagawa iyon ni Nicos. Dahil tuloy doon ay nabubuwisit siya. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa pag-iisip at pag-iiyak.

Kinabukasan nga ay maagang-maaga palang ay hinintay na ni Alex ang paggising ng mag-asawa. Dalangin niya ay magising ang mga ito bago si Nicos.

“ Bakit naman agad-agad kang magreresign, hija? “ gulat na gulat na wika ng Donya ng maiabot ni Alex ang resignation letter dito.

“ Oo nga naman, hija. Wala ka man lang pasabi. “ segunda rin ng Don.

“ Pasensiya na po talaga, Ma’am, Sir biglaan po kasi talaga. Nagkasakit po kasi ang tatay ko. Wala pong mag-aalaga kundi ako. “ hinging paumanhin niya sa mga ito.

“ Kung bigyan ka na lang namin ng bakasyon, hija. Huwag ka lang magresign. Kung gusto mo tataasan namin ang sweldo mo. “ wika ng mga ito na halata sa mga ito na ayaw ng mga ito na magresign si Alex.

“ Pasensya na po talaga. Gustuhin ko man po hindi na po talaga puwede. “ pagpapatuloy niya.

“ Sige na nga, hija. Basta kapag babalik ka sa trabaho welcome ka dito ha! Magsabi ka lang. “ sambit ng Donya.

“ O-opo, Ma’am. “ tugon nito.

“ Mag-ingat ka sa biyahe mo ha! “ paalala muli ng Donya.

“ Ito nga pala sweldo mo. Cheque nga lang. Ikaw na lang mag-withdraw. Bigla-bigla ka kasing nagpaalam kaya wala kaming cash. Dinagdagan ko na rin iyan sa pagtulong mo sa amin at sa aming anak. Salamat. “ wika naman ng Don matapos maiabot ang hawak-hawak na cheque.

“ Wala po iyon, Sir. Kasama po iyon sa trabaho ko. Maraming salamat po, Ma’am, Sir. Sige po, alis na po ako. “ wikang paalam ni Alex.

“ Ingat ka. “ sambit ng mag-asawa habang hinahatid ng tanaw ang papaalis na dalaga at ng makalayo na si Alex ay sabay na pumasok na ang mga ito sa loob ng bahay na magkaakbay.

“ Talaga bang hindi ka na mapipigilan? “ tanong ng tinig na iyon na galing sa likuran ni Alex hindi pa man ito nakakalabas ng gate ng mga ito. Kahit hindi niya lingunin iyon ay tiyak niyang si Nicos iyon.

“ Ngayon pa ba ako magpapapigil? Ngayon pang nalaman ko na kung sino ka, kayo ng mga kaibigan mo, Nicos? “ galit nitong sagot.

“ Hindi mo ba papakinggan ang sasabihin ko? Handa kong ikuwento ng buo sa iyo ang lahat-lahat. “ wika ni Nicos na halata sa mukha ang lungkot.

“ Hindi na ako interesado. Binigyan na kita ng chance na magkuwento pero hindi mo ginawa. Kaya pasensya. Tsaka hindi na naman ako maniniwala sa mga sasabihin mo. Nagsinungaling ka na sa akin eh. “ pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ng tuluyan ito at sumakay na sa naghihintay na taxi.

“ Kung alam ko lang, AJ na gagawan ka nila ng masama hindi na sana kita iniwan. Kung alam ko lang na gagawin sa iyo ni Mickey ang bagay na iyon sana pinaglaban ko nalang ang pagmamahal ko sa iyo. Siguro kung ginawa ko iyon masaya tayong dalawa ngayon. Baka nga marami na tayong anak ngayon eh. “ pagbibirong kausap ni Nicos sa puntod ni AJ pagkatapos niyon ay sumeryoso na ito. “Sinusumpa ko, AJ magbabayad ang mga pumatay sa iyo. Kung mga kaibigan ko man sila hindi ko sila hahayaang makatakas. Kailangan nilang pagbayaran ang mga ginawa nila sa iyo. Sinusumpa ko, AJ. Tutulungan ko pamilya mo para makamit mo ang hustisya. “ sumpang sambit ni Nicos habnag hinahawakan ang puntod ni AJ. Habang ginagawa iyon ni Nicos ay hindi nito namalayan na may luha ng pumatak sa kanyang pisngi.

“ Mickey, akala ko ba wala na tayong poproblemahin sa kaso ni AJ? “ galit na bulyaw ni Wesley sa kaibigan ng puntahan niya ito sa bahay ng mga ito. Ang sarap ng pagkakakain nito. Walang kaproble-problema.
“ Ano bang problema mo, Wesley? Gabing-gabi nang-iistorbo ka. Ano’ng tungkol kay AJ? “ galit na sita ni Mickey sa kaibigan.

“ Nakatanggap lang naman ako ng balita bubuksan muli ang kaso sa pagkakapatay kay AJ. This time malakas na ang kaso nila. May mga matitibay na silang ebidensya. May mga suspects na raw sila. Ano’ng ibig sabihin no’n, Mickey? “ ang mahabang sagot nito na makikita sa itsura nito ang kaba at takot.

“ Damn! Si Thor! Baka si Thor ang testigo nila. “ ang galit na galit na sabi ni Mickey.

“ Sabi naman kasi namin sa iyo pinatay na rin sana natin ‘yang kapatid mo. Sabi mo sisiguraduhin mong hindi magsasalita. Ano ngayon? “

“ Puwes, bago pa sila makakilos uunahan natin sila. “ matapang na wika ni Mickey na halata na buo ang loob nito sa anumang naiisip nito.

“ Ano’ ng pinaplano mo? Ano’ng gagawin natin? “ curious na tanong naman ni Wesley na titig na titig sa kaibigan.

“ Kikidnapin natin si Alex pagkatapos papatayin natin. Kasi sigurado akong siya ang may hawak ng mga ebidensya. “

“ Kapag namatay siya walang ebidensya walang kaso. “ pagpapatuloy naman ni Wesley.

“ Oo, Wesley. Isasama na rin natin si Nicos. Kailangan na rin niyang mamatay. “ habang sinasabi iyon ni Mickey ay nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

“ Kailan natin gagawin ang pagkidnap kay Alex? “

“ As soon as possible. “ sagot nitong si Mickey na ngingisi-ngisi pa.

“ Pero teka, bakit si Alex? Di’ba bodyguard ni Nicos ‘yon? “

“ Oo, bodyguard ni Nicos. Kakambal din siya ni AJ. “

“ Tingnan mo nga naman, may kambal pala si AJ na kasingganda rin niya. “

“ Oo nga eh. Sigurado masarap din ‘yon. “ sabay halakhak ng dalawa pagkasabi niyon.

Pagkatapos ng gabing iyon ay kinabukasan nga ay todo manman sila kay Alex ngunit walang pagkakataon na makuha nila ito dahil lagi itong may kasama. Umabot ng tatlong araw ngunit may mga kasama pa rin ito. Hanggang sa isang araw ay nakakuha sila ng magandang tyempo. Mag-isa lamang si Alex. Busy sa pakikipag-usap sa cellphone.

“ Tingnan mo nga naman kung susuwertehin ka. “ ngingisi-ngising wika ni Brixx kay Wesley ng makita nito si Alex.

“ Alex, huwag na huwag kang lalabas ng mag-isa ka lang. Delikado sa iyo. Alam na sigurado nila Mickey na binuksan ulit ang kaso ni AJ. Sigurado ako — “ hindi na naituloy pa ni Nicos ang sasabihin dahil pinutol na iyon ni Alex na nasa kabilang linya naman.

“ Puwede ba, Nicos tantanan mo ako ng pag-aalala mong iyan. Nakakarami ka na eh. Huwag kang umastang inosente ka dahil pinapaalala ko lang sa iyo you’re one of the suspect on AJ’s case. And I can takecare of myself. You don’t need to remind me. “ ang mataray nitong sagot kay Nicos. “ Tsaka matagal na akong lumalabas mag-isa pero walang nangyayare sa aking masama. Tsaka nakakalimutan mo yata bodyguard mo ako. So, lagi akong handa kung may aatake man. “ wika nitong muli bago pinatayan ng cellphone ang nasa kabilang linya na si Nicos. Halos araw-araw kasi siyang kinukulit ni Nicos sa kakapaalala na mag-iingat at huwag lalabas mag-isa.

Kasabay ng pagpatay ng cellphone ni Alex ay sabay namang may sumunggab dito mula sa likuran. Manlalaban sana ito kaya lang agad ng tinakpan ng panyo ang ilong nito. Kasabay niyon ay unti-unting nawalan na ng malay si Alex. Walang kahirap-hirap na naisakay sa loob ng van ang wala ng malay na dalaga.

“ Mission accomplished! “ ang masayang wika ng dalawang lalaking dumukot kay Alex. Nag-apiran pa ang mga ito sa ere.

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Chapter 10 : My Beautiful Bodyguard

Chapter 10 : My Beautiful Bodyguard

“ You know what, Alex you’re very beautiful in your dress. Mas gumanda ka pang lalo compare kapag nakadamit pambodyguard ka. “ pagpapacute na wika ni Thor kay Alex ng nasa kalagitnaan na sila ng dinner date nito.

“ Huwag mo nga akong binobola diyan, Mr. Redenthor Jimenez. Kung ayaw mong magwalkout ako dito. Ano bang maganda ang sinasabi mo diyan? Para nga kong engot dito sa suot ko eh. “

Mahigit isang buwan ng lumalabas sina Alex at Thor. Unti-unti na rin sila nitong nagiging close at nakikilala na nila ang isa’t-isa. Wala ang mga itong maipintas sa bawat isa dahil kung ano ang nakikita nila sa isa’t-isa ay ganoon talaga sila pero lingid sa kanilang kaalaman ay pareho silang may motibo kung bakit nila gustong makilala ang isa’t-isa. Si Thor para malaman kung may koneksyon ba ito kay AJ dahil hawig na hawig talaga nito ang babaing naging bahagi ng kanilang nakaraan. Hindi kasi alam ng kanyang kapatid na si Mickey kung may kakambal ba si AJ o wala kasi wala naman itong nabanggit sa kapatid noong nabubuhay pa ito. Dahil kung malaman ni Mickey na magkapatid si Alex at AJ ay posibleng may alam na ito kaya ito pumasok bilang bodyguard kina Nicos. Hindi puwedeng mabulilyaso ang plano nito kay Nicos. Kung mangyayari iyon ay madadamay na si Alex. Kilala pa naman ni Thor ang kapatid na walang sinasanto. Si Alex naman kaya nakipaglapit kay Thor ay upang makahanap ng impormasyon dito tungkol sa mga kaibigan nito at kung ano ang ibig sabihin ng pare-pareho nilang mga bracelet na suot-suot. Marami na naman silang nakuhang impormasyon sa isa’t-isa pero hindi ang may kinalaman kay AJ. Nagsimula ang paglabas-labas nila Alex at Thor sa simpleng minsang paglabas-labas lang hanggang sa naging regular na ang paglabas-labas nila. Aminin man o hindi ni Thor ay unti-unti na siyang nahuhulog kay Alex. At habang nagiging close na close sina Alex at Thor may isa namang nagseselos sa pagiging close ng mga ito. Ito ay si Nicos.

“ Thank you, Alexa for wonderful tonight. “ ang nakangiting wika ni Thor kay Alex ng nasa labas na sila ng mansyon ng mga Salvatierra ng gabing iyon at pagkatapos ay may binigay ito na isang bouquet of flowers na kinuha nito sa back seat ng kotse nito.

“ Thank you. “ wika ni Alex ng makuha na niya ang bulaklak na binigay sa kanya ni Thor bago nagsalitang muli. “ Ako rin naman nag-enjoy sa date natin eh. “

“ Date? You mean date na ‘yung kanina? “ tanong nito.

“ Yeah! “ tipid na sagot lang ni Alex.

“ So it means, puwede na akong manligaw sa’yo, Alexa? “ hindi nito napigilang itanong sa sayang nadarama.

“ Oo. Tingnan natin. “ nakangiting sagot nito.

Dahil sa narinig na iyon ni Thor ay hindi nito napigilang hindi mayakap si Alex. Nadala siya ng tindi ng kasiyahan. At iyon ang eksenang nakita ni Nicos ng makita niyang may nakapark na kotse sa harapan nila. Kagagaling lang niya sa kusina para umiinom at tiningnan na rin niya sa kuwarto si Alex pero wala pala ito. Sa pag-aakalang nagpapahangin lang ito sa labas ay lumabas din siya para tingnan nga si Alex pero iba naman ang kanyang nakita. Nakayakap si Thor kay Alex. Hindi man niya nakita kung sino ang kayakap ni Thor sigurado siyang si Alex iyon. Ito lang naman kasi ang pinupuntahan nito doon kung hindi siya.

Kailangang gawin iyon ni Alex para mas makilala pa niya ng lubusansi Thor. Dahil alam niya na may tinatago ito. Kung anuman iyon ay kanyang aalamin sa paglalapit nila bilang nililigawan nito. Dahil din doon ay makakapagtanong-tanong din siya dito ng hindi ito makakahalatang may iba siyang motibo.

Sa part naman ni Thor ay totoo siyang masaya dahil talagang gusto na niya si Alex lalo na ng unti-unti niya itong nakikilala. Kaya gagawin niya ang lahat para mahalin din siya ni Alex. Mag-iingat na lang siya na wala itong malaman sa kanya kung talagang totoo ang hinala ng kanyang kapatid na si Mickey dito.

“ So-sorry, Alex. Na-carried away lang ako. “ hinging paumanhin ni Thor ng matauhan na hindi naiwasang hindi mamula ang pisngi.

“ Its okey. “ nakatawang wika ni Alex sa namumulang binata.

“ Ginagabi ka lagi ng uwi ah, Alex? “ wika ni Nicos mula sa dilim ng dumating ng gabing iyon si Alex galing sa date nila ni Thor at papunta na sana sa kuwarto nito ng abutan nga ni Nicos. Kagagaling lang kasi ng kitchen ni Nicos. Kumuha kasi ito ng tubig dahil nauhaw ito.

“ Nakakagulat ka naman, Nicos. Mabuti wala akong sakit sa puso. Kundi inatake na ako dito. “ ang mataray na angil ni Alex sa biglang sulpot sa dilim ni Nicos.

“ Kung bakit kasi hindi ka nagbubukas ng ilaw. Para kang magnanakaw sa dilim eh. Pasalamat ka wala akong baril kundi baka nabaril na kita. “ masungit ding ganting sagot ni Nicos kay Alex.

“ E,di salamat, Sir. Hayaan niyo po, magbubukas na ko ng ilaw sa susunod. Saka nagpaalam naman po ako sa mama’t papa mo, Sir Nicos na gagabihin ako. “ sagot pa ni Alex na kandatulis ang nguso sa pagsagot.

“ Bakit sa akin, hindi ka nagpaalam? As far as I know hindi lang naman parents ko ang amo mo kundi pati ako. Paano pala kung may lakad ako kanina? “ nakataas kilay na sambit nito habang hinihintay ang isasagot nito sa kanya.

“ Tulog ka naman po kanina eh. Tsaka na natin problemahin ‘yon kapag nangyare na. “ pilosopang sagot ni Alex sa amo.

“ Aba’ t namimilosopa ka pa diyan. “

“ Hindi naman, Sir Nicos. “ na halata sa boses nito ang pagkairita sa pagsusungit sa kanya ni Nicos. Hindi niya tuloy alam kung nagseselos ba ito kaya nagsusungit sa kanya. Imposible naman kasi ang kanyang naiisip kasi ito naman ang mismong naglapit sa kanila ni Thor dati eh.

“ Sige, pumasok ka na sa kuwarto mo. Maaga tayong aalis bukas ha! “ ang tanging nasabi na lang ni Nicos para matapos na ang usapan nila. Dahil baka kung ano pa kasi ang masabi nito kung hahaba pa ang usapan nila ng dalaga. Basta ang alam niya nagseselos na siya sa palaging paglabas-labas ni Alex at ni Thor.

Sa mansyon naman ng mga Jimenez ay kanina pa hinihintay ni Mickey ang pagdating ng kanyang kapatid galing sa date nito kay Alex. Pwede naman niyang ipagpabukas ang anumang kanyang gustong sabihin sa kapatid pero hindi niya gagawin lalo na tungkol iyon kay Alex. Ang pinaghihinalaan niyang may alam na sa kanilang ginawang krimen. Malakas na malakas ang kanyang hinala dito lalo pa napansin niya ito noong nagpunta silang magkakaibigan sa mansyon nila Nicos. Titig na titig ito sa suot ng mga kaibigan niya na bracelet. Bigla niya tuloy naalala ang kanyang bracelet na tulad ng sa mga kaibigan. Nawawala ang kanyang bracelet na tulad ng sa kanyang mga kaibigan at kapatid. Hindi niya alam kung namisplace niya lang ba iyon o naiwala niya talaga. Ang pagkakatanda niya ay sinuot niya iyon ng nagpunta siya sa sementeryo noong death anniversary ni AJ pero ng pumunta naman siya doon ay wala siyang nakita. Kaya lumakas ang kanyang hinala kay Alex na baka napulot nito ang kanyang bracelet kaya gano’n na lang ang pagkakatitig nito sa bracelet na suot ng mga kaibigan. Naalala pa niya na naiwala pala ng isa niyang kaibigang si Wesley ang bracelet nito. Posible kayang nakita iyon kay AJ. Simula talaga ng araw na iyon ay hindi na nawala sa isip ni Mickey si Alex at ang paraan ng titig nito sa kanila.

“ Bakit gising ka pa, kuya Mickey? “ ang bungad na tanong ni Thor sa kapatid ng makita niya itong nakaupo sa sofa nila sa sala. Kita niya pa itong nakatulala na parang may iniisip. Dahil tuloy doon ay kinabahan siya. Baka may kinalaman na naman iyon kay Alex.

“ Mabuti dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay eh. “ ang sagot nito at umayos ng pagkakaupo.

“ Bakit mo naman ako hinihintay? Pwede mo naman sigurong ipagpabukas ang sasabihin mo kung meron ka mang sasabihin. “ ang sagot ni Thor ng makalapit sa kapatid.

“ Alam mo naman kung may kinalaman kay AJ hindi ko na ipinapagpabukas pa. “ sarkastikong sagot ng kapatid niya sa kanya.

“ Ano naman ba ang itatanong mo? “ tanong na lang niya bago umiinit ang ulo ng kapatid.

“ May magandang balita ka na bang sasabihin sa akin tungkol kay Alex na bodyguard ni Nicos? “

“ Wala pa kuya. Sa tingin ko wala naman talagang kinalaman si Alex kay AJ. “

“ Paano mo naman nasabi? Sigurado ka bang nagsasabi siya ng totoo? “

“ Ipinakilala niya sa akin ang buong pamilya niya. Sa picture nga lang. Wala naman akong nakitang AJ sa picture niya. So, siguro talagang wala siyang kinalaman kay AJ. Baka talagang nagkataon lang na magkamukha sila ni AJ. Puwede namang mangyare iyon, di’ba? “ ang mahabang sagot ni Thor.
“ Puwede! Pero hindi pa rin talaga ako naniniwalang wala siyang kinalaman. Palibhasa hindi mo nakita ang tingin niya sa mga suot ninyong bracelet noong pumunta tayo nila Wesley kina Nicos. “ ang wiak nito na bakas talaga sa sagot na hindi talaga ito naniniwala.

“ Ano namang bracelet iyon? “

“ Ang friendship bracelet natin. Remember, naiwala iyon ni Wesley. “

“ So? “

“ Malakas kutob kong isa sa ebidensya ng mga pulis ang bracelet na iyon kaya gano’n na lang ang pagkakatitig ni Alex sa mga iyon. “

“ Napaparanoid ka lang, kuya. Lagi kong suot itong bracelet natin kapag lumalabas kami ni Alex pero hindi ko siya kailanman nakitaan ng interes sa bracelet na iyon kapag nakikita niya. Maliban noong isang beses sinasabi lang niya nagagandahan siya. Parang gusto niyang bilhan ang tatay niya ng bracelet na tulad ng bracelet natin. I think wala namang kakaiba sa sinabi niyang iyon. “ natatawang paliwanag niya sa kapatid niya.

“ Hindi ako napaparanoid lang, Thor. I knew what I saw. “ inis na sagot ng kapatid sa kanya.

“ Sige, kuya. Hayaan mo kapag may napansin akong kakaiba kay Alex sasabihin ko agad sa iyo. Saka sigurado ako marami na akong malalaman sa kanya kasi pumayag na siyang ligawan ko. Kaya sigurado mas makikilala ko na siya. “ masayang pagbabalita nito sa kapatid.

“ E,di mabuti. Bilis-bilisan mo lang ang paghahanap ng ebidensya kay Alex dahil kilala mo ako kapag ako nainip, Thor. “ wika nito bago siya iniwang mag-isa sa sala. Sa tono ng pananalita nito ay tila may pagbabanta doon.

“ Oo, kuya bibilisan ko. “ sagot na lang niya. “ Pero hinding-hindi ko sasabihin sa iyo ang totoo kung meron man. Ayokong masaktan mo si Alex. Dahil ako ang unang-una mong makakalaban, kuya. “ ang lihim na wika ni Thor sa sarili.

Pero lingid sa kaalaman ni Thor ay kumuha na ang kanyang kuya ng private investigator na aalam sa tunay na pagkatao ni Alex.

Kanina pa nasa loob ng kanyang opisina si Nicos ngunit wala naman sa trabaho ang kanyang isip. Ang kanyang isip ay nasa eksenang kanyang nakita kagabi habang yakap-yakap ni Thor si Alex.

“ Bakit yakap-yakap ni Thor si Alex? Bakit hinayaan ni Alex na yakapin siya ni Thor? Ano ang dahilan ng pagyakap na iyon ni Thor kay Alex? Sinagot na kaya siya ni Alex kaya siya biglang napayakap dito? Sa sobra kayang kasiyahan kaya niya nayakap ito? Ano ba? Ano ba? Ano nga ba? “ yan ang mga salitang kanyang paulit-ulit na tinatanong sa kanyang sarili sa kanyang nakitang tagpo kagabi sa pagitan nila Alex at ng kaibigan niyang si Thor. Hindi na niya makalimutan ang eksenang iyon. Aminin man niya o hindi nakadama siya na may kumirot sa kanyang puso ng makita niya iyon.

“ Ikaw naman kasi bakit mo pinagtulukan si Alex sa kaibigan mong si Thor na makipagdate? Tingnan mo ngayon nasasaktan ka. “ pang-asar na wika ng kanyang sarili sa kanya.

“ Oo na. Kasalanan ko na. Huwag mo ng pagdiinan pa. “ inis niyang sagot na nailamukos ang hawak-hawak na papel. Hindi niya alam kung importante ba iyon o hindi. Basta ang alam niya naiinis siya.

“ Sila na kayang dalawa? “

“ Paano kung oo? Ano’ng gagawin mo? Paano kung hindi pa? Ano’ng gagawin mo? “ ang magkasunod na tanong sa kanya ng kanyang isip.

“ Kung malaman kong sila ng dalawa? Ewan ko! I don’t know. Pero ang alam ko lang kapag nalaman kong hindi pa sila liligawan ko si Alex. Sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya. “

Habang naglilinis naman sa loob ng kanyang kotse ng umagang iyon si Thor ay may napansin siyang wallet na siguradong hindi kanya. Kanya iyon kinuha at dahan-dahan na binuksan. Bago pa man niya nabuksan ang wallet ay sigurado na siyang kay Alex iyon. Dahil pambabae ang wallet na iyon at ito lang naman ang tanging babaeng nakakasakay sa kanyang kotse. Nang nabuksan na niya iyon at tiningnan na ay wala naman siyang nakikitang kakaiba sa wallet na iyon. Laman lang naman ng wallet na iyon ay coins, may papel na pera na puro tig-iisang daan at may dalawang tig-limang daan at may isang libong papel. Bukod sa pera ay may family picture pa ang mga ito na nakita na naman niya noong pinakita sa kanya iyon ni Alex ng pangatlong paglabas nila. Hindi na sana ito magkakainteres pa sa laman niyon ng hindi niya nakita ang isang picture na nakasingit sa likod ng family picture ng mga ito. Si Alex iyon na may kasamang isang babae. Sigurado siya magkasing-edad lamang ito at si Alex. Sa unang tingin ay parang wala namang kakaiba doon kasi pareho namang magkasingganda ang mga ito pero kung tititigan ng matagal ang kasamang babae ni Alex sa larawan na iyon ay may makikitang kakaiba dito. Iyon nga ang ginawa ni Thor. Noong una ay balewala lang sa kanya ang larawan na iyon pero ng kanyang pinakatitigan iyon ay …..

“ AJ? “ tanging nasambit nito. “ Magkapatid sila ni Alex? “ halos hindi makapaniwalang wika nito sa sarili. Hindi lang magkapatid kundi magkakambal pa. Napatunayan niya iyon ng makita pa ang apelyido ni Alex sa mga IDs nito na nasa wallet. “ Maria Alexa Salveron at Maria Anjanette Salveron naman ang nasa isang ID. “

“ Hindi puwedeng malaman ni Mickey na magkapatid kayo ni AJ, Alex. Hindi ko hahayaang may mangyare sa’yong masama. Sorry kung pinabayaan kong may mangyare sa kapatid mo sa kamay ng kapatid ko at mga kaibigan ko. Sana mapatawad niyo ako lalo ka na, AJ. “ tanging wika niya habang nakatingin sa larawan nila Alex at AJ.

Habang naghihintay sa parking lot si Alex ay hindi pa rin maipinta ang kanyang mukha dahil sa nawawalang wallet. Lalo pang nagpapainis sa kanya ay ang isipin na baka naiwan niya sa kotse ni Thor ang kanyang wallet. Dahil kung nagkataon na doon nga niya naiwan ang kanyang wallet ay siguradong makikita iyon ni Thor at baka buksan nito iyon. Kapag nangyare iyon ay mabubuko na siya nito sa dahilan ng kanyang pakikipaglapit dito. Nandoon pa naman kasi ang ID nila ni AJ. Tanging dasal lamang niya ay hindi sana nito makita ang kanyang wallet kung sakaling naiwan nga niya iyon sa kotse nito. Pero nagdadasal din siya na sana wala talagang alam si Thor sa nangyare sa kanyang kapatid. Dahil kahit isang buwan palang sila nito nagkakakilala ay tiyak niyang mabuting tao ito at ikakalungkot niya talaga kapag kasangkot ito sa nangyare sa kanyang kapatid.

Nasa gano’n siyang pag-iisip ng dumating si Nicos.

“ Alex, okey ka lang? “ ang alalang tanong ni Nicos ng mapansin nitong tulala ito.

“Nope! Nawawala kasi wallet ko. Hindi ko alam kung saan ko naiwanan. ”

” Baka naiwan mo sa kotse ng boyfriend mo. ” ang parinig ni Nicos na talagang sinadya niya para malaman kung may relasyon na ang mga ito.

” Boyfriend? ” nakataas kilay na tanong ni Alex ng marinig ang sinabing iyon ni Nicos.

” As in boyfriend. Boyfriend as in kasintahan. ” sagot naman nito na sinabi pa sa tagalog ang boyfriend.

” Wala akong boyfriend noh! ” mataray nitong sagot.

” Hindi mo boyfriend si Thor? ”

” Aalis na ba tayo, Sir Nicos? ” imbes na sagutin ang tanong ni Nicos ay iyon ang tanong ni Alex.

” Oo. Uuwi na tayo. ” sagot ni Nicos na medyo nadismaya sa hindi pagsagot ni Alex ng tanong niya kanina.

” Hindi ko nga pala boyfriend si Thor. ” ang dinig na dinig niyang sagot ni Alex sa kanya ng papasok na siya sa loob ng kotse.

Dahil tuloy doon ay napangiti siya ng nakapasok na siya ng tuluyan sa loob ng kotse.

Sa library naman sa mansyon nila Thor ay may taong kausap si Mickey. Base sa makikitang kaseryosohan ng mga ito sa paraan ng pag-uusap ay malalaman mong importnte talaga ang pinag-uusapan ng mga ito. Lalo pa kapag nakita mo ang mukha ni Mickey.

” Sigurado kang tama mga sinasabi mo sa akin ngayon? Hindi mo ako niloloko? ” ang tanong seryosong tanong ni Mickey sa kausap.

” Sa tagal ko na sa trabaho kong ito, Mr. Jimenez wala sa vocabulary ang manloko o magbiro sa kliyente ko. Lahat ng sinabi ko sa iyo ngayon totoo lahat iyon. Isama mo pa ang mga evidence na nilatag ko sa iyo. Nasa sa iyo na kung maniniwala ka o hindi. I’ll go ahead, Mr. Jimenez. May imimeet pa po akong kliyente. ” ang seryosong sagot ng kausap nito na mahahalata mo sa tono ng boses nito na medyo nairita ito sa sinabi ng kaharap sa kanya kanina.

” Okey then. Thank you very much. ” wika na lang ni Mickey at nakipagkamay na dito.

” Humanda ka na, Maria Alexa Salveron. Isusunod na kita sa kapatid mo. Isusunod ko naman sa’yo si Nicos. Hindi isang tulad mo Alex ang sisira sa mga plano ko. ” ang nanlilisik na mga matang wika ni Mickey ng mag-isa na lang ito sa kuwartong iyon at hindi nagtagal ay unti-unti na itong humalakhak. Dahil sa nakikita na nito ang kanyang nalalapit na tagumpay.

Matutulog na sana ng gabing iyon si Alex ng nakarecieve ito ng text galing kay Thor. Pinalalabas siya nito. Nasa labas daw ito ng mansyon.

” Bakit ka napasugod dito, Thor? Bukas pa naman ang date natin, di’ba? ” ang tanong na bungad ni Alex ng nasa loob na siya ng kotse ni Thor.

” Ibabalik ko lang sana itong wallet mo. ” tipid nitong sagot sabay abot ng wallet kay Alex.

” Sa-salamat. ” pautal nitong sambit. Sana hindi nito napansin ang pagkautal niya para hindi na magtanong pa tungkol sa wallet kung nakita man nito ang loob ng wallet niya.

” No problem. ” nakangiti nitong sagot.

” Sige, ha! Pasok na ako sa loob. ” wika ni Alex na sa totoo lang ay umiiwas na ito sa puwedeng mangyare.

” Si-sige! ” tugon naman ni Thor. Pero maya-maya lang pinigil niya ang pababa ng dalaga.

” Sa-sandali lang, Alex. ”

” Ba-bakit? ”

” Kaano-ano mo si AJ? ” ang hindi na nito napigilang hindi itanong. Naisip kasi ni Thor na dapat na niyang kausapin tungkol doon si Alex para mailigtas niya ito sa kapatid niyang si Mickey.

” Ha? ” inosenteng wika lang nito na kunwari hindi alam ang tinatanong nito.

” Alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin, Alex. Just answer me, please? ” tanging wika lang ni Thor.

” Alam mo naman pala, bakit mo pa tinatanong sa akin, Thor? Di’ba ako ang dapat magtanong niyan sa’yo? ” medyo mataray ng tanong ni Alex sa kausap. Kasi naman nagkatotoo na ang kanyang hinala.

” Oo, kilala ko si AJ. Hindi lang ako ang nakakakilala sa kanya. Pati mga kaibigan ko at kapatid kilala si AJ. Lalong-lalo na si Mickey. Dating manliligaw ni AJ si Mickey. ”

” May kinalaman ba kayo sa pagkamatay ng kapatid ko? ” ang diretsong tanong na ni Alex na hindi na napigilan ang sarili. Namalayan na lang niya na tumutulo na pala ang kanyang luha sa magkabilang pisngi niya.

Patlang…

Patlang…

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila pero hindi pa rin sumasagot si Thor. Sa pananatili nitong tahimik ay lalo lamang nadagdagan ang kanyang hinala sa mga ito. Sabi nga silence means yes. Napansin niya na pati ito ay napaiyak na rin katulad niya.

” Bakit Thor? Bakit? Ano’ng ginawa sa inyo ng kapatid ko? ” galit niyang wika dito habang hinahampas ang braso ng nakayukong binata.

” Hindi ako kasali sa kanila, Alex. Pero,Im sorry hindi ko napigilan ang ginawa nila kay AJ. ” ang sagot nito na bakas sa tinig nito ang labis na pagsisisi.

” I can’t forgive you, Thor. Hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa ninyo sa kapatid ko. ” pagkasabi niyon ay lumabas na ito sa kotse nito habang umiiyak na tumatakbo.

Nasa ganoong ayos si Alex ng masalubong siya ni Nicos. Pero hindi naman siya pinansin ng umiiyak na dalaga. Dahil doon ay puno ito ng pagtataka lalo pa nakita niya ang kotse ni Thor sa labas ng kanilang mansyon.

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Chapter 9 : Ny Beautiful Bodyguard

Chapter 9 : “ My Beautiful Bodyguard

“ Oo, kapatid ko siya. Hindi lang basta kapatid kundi kakambal at bestfriend ko rin. “ sagot ni Alex na mababakasan mo ng pagtataka dahil kay Nicos. Nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ang pagkakatitig ni Nicos sa nakitang litrato ng kanyang kakambal.

“ Hmmm… Nasaan na siya, Alex? Puwede ko bang malaman? “ tanging tanong lang ni Nicos.

“ Wala na siya eh. “ ang maikling sagot lang ni Alex.

“ What do you mean na wala na siya? “ takang tanong ulit ni Nicos.

“ As in wala na. Patay na. Siya kasi iyong sinasabi ko sa iyong kapatid ko na patay na. “ sagot ni Alex at kitang-kita niya ang naging reaction ng mukha ni Nicos.

Pagkarinig ni Nicos ng sagot ni Alex ay sobra itong nabigla. Hindi niya inaasahang ganoon ang kanyang mababalitaan na patay na pala ito. Ang babaing minsan ng naging espesyal sa kanyang buhay noon. Napaka-espesyal na kahit kailan ay hindi niya malilimutan. Ito ang kauna-unahang babaing kanyang minahal noong nasa high school palang siya. Ngunit walang relasyong namagitan sa kanila kahit na alam nilang mahal nila ang isa’t-isa. Hindi kasi nila gugustuhing maging maligaya sila kung may isa namang masasaktan dahil sa kanilang dalawa. Hindi kasi lingid sa kaalaman ni Nicos ay matagal ng may gusto ang kaibigan niyang si Mickey kay AJ. Lagi nitong sinasabi na mahal na mahal nito si AJ at ito lamang ang tanging babaing kanyang mamahalin. Dahil doon ay hindi niya nagawang ligawan si AJ kahit na mahal niya rin ito. Ganoon din naman si AJ. Sapat na sa kanilang dalawa na malamang mahal nila ang isa’t isa kahit na hanggang magkaibigan na lamang ang puwedeng mamagitan sa kanila. Pero kanilang inilihim ang lahat ng iyon kay Mickey. Naputol nga lang iyon ng kailanganin ng pumunta ni Nicos sa San Francisco upang mag-aral. Makaraan ang dalawang buwan ay nawalan na sila ng tuluyan ng komunikasyon sa isa’t-isa. Dahil na rin sa pareho na silang naging busy sa kanilang pag-aaral. Ngayon na nga lang sana muli kaya lang hindi naman niya inaasahan na ganoong balita ang kanyang malalaman tungkol dito.

“ Nicos, okey ka lang ba? Napatulala ka na kasi diyan eh. Naku! Baka napagod ka sa biyahe. Siguro dito ka na lang muna para makapagpahinga ka. “ ang sunud-sunod na wika ni Alex dahil sa pag-aalala ni Nicos.

“ Okey lang ako, Alex. Nabigla lang ako sa sinabi mo sa akin tungkol kay AJ. “ mabilis na sagot naman ni Nicos upang mawala ang pag-aalala ni Alex sa kanya.

“ Kilala mo ba si AJ? “ ang hindi napigilang tanong ni Alex kay Nicos. Nagtataka kasi siyang talaga sa naging reaction ni Nicos ngayon lalo na ng makita nito ang litrato ng kapatid. Parang may something ditto na hindi niya lang alam kung ano.

Si Nicos naman ay hindi agad nakasagot sa tanong na iyon ni Alex sa kanya. Nagdadalawang isip ito kung sasabihin ba ang totoo o hindi. Dahil baka kapag sinabi niya ang totoo ay hindi ito makapag-concentrate sa mga gagawin nito ngayong araw kasama ang mga magulang at kapatid. Kaya naman napagpasyahan niya huwag munang sabihin ang totoo baka kasi marami itong tanungin sa kanya. Sa susunod na araw na lang niya sasabihin ang totoo. Makalipas ang matagal na pananahimik ay nagsalita na rin si Nicos.

“ Hindi eh! May kaibigan lang akong kapangalan niya na matagal ko na ring hindi nakikita. Pasensya ka na kung nag-alala ka tuloy. “ pagsisinungaling na sagot ni Nicos kay Alex.

“ Ah ganoon ba! Akala ko kasi kilala mo si AJ. Ang kilos mo kasi nag-iba ng makita mo ang picture niya. “ nakangiting sagot ni Alex dito pero ang totoo ay nakadama ito ng lungkot at panghihinayang sa sagot na iyon ni Nicos sa kanya. Kasi umaasa siya na sana kilala nito si AJ dahil baka sakali may alam ito kung may galit ba sa kanyang kapatid kaya ginawan ito ng ganoong kasama —- ang halayin at patayin ito.

“ Kanina pa po ba kayo nandito, inay, itay? “ ang tanong ni Alex sa kanyang mga magulang habang nagmamano sa mga ito. Kadarating lang nila ni Nicos sa sementeryo ng mga sandaling iyon. Naabutan niya ang kanyang mga magulang at kapatid na nag-aayos. “ Si Nicos nga po pala, inay, itay ang boss ko po. At ang tatlo ko pang mga kapatid. “ ang pagpapakilala ni Alex sa mga ito.

“ Hello po! Good morning po. “ bating sabi ni Nicos na tulad ni Alex ay nagmano sa mga ito.

“ Kawaan ka ng Diyos, hijo. “ sambit naman ng kanyang mga magulang dito.

Ang mga kapatid naman niya ay tahimik lang nakatingin lalo sa kanilang bisita. Lalo si Anicka na super crush si Nicos.

Pagkatapos niyang ipakilala ang mga ito ay napansin niya ang mga bulaklak at mga kandila na nakalagay na doon sa puntod ng kapatid. “ Ang ganda naman ng mga bulaklak ni AJ, inay. “ ang baling ni Alex. Kitang-kita sa mukha nito ang kasiyahan.

“ E, di’ ba sa iyo galing ang mga bulaklak na iyan? “ takang tanong ng kanyang ina kay Alex dahil sa nakitang reaction sa anak.

“ Hindi po sa akin galing ang mga bulaklak na iyan, inay. Ngayon lang po ako ulit nakadalaw sa kanya dito. Busy po kasi ako sa trabaho. “ ang mabilis namang sagot ni Alex sa ina.

“ Kung hindi sa iyo galing ito kanino naman posibleng galing ito? Pagdating namin meron ng ganyan diyan at malinis itong puntod ng kapatid mo ng dumating kami. “

“ Baka po may nauna ng dumalaw kay AJ kahapon, itay. “

“ Pero sino naman iyon? Talagang pinalinis pa itong puntod ng kapatid mo eh. Pinapinturahan pa talaga. “ nagtatakang wika ng kanyang tatay. Wala naman kasi silang naiisip na puwedeng gumawa niyon kundi si Alex lang pero kung hindi ito iyon, sino pa kaya?

“ Sino nga po kaya? Hmmmm… Tsaka na lang po natin isipin ang bagay na iyan. Sa ngayon si AJ na po muna. “ wika ni Alex pero ang totoo ay nagsisimula na rin siyang mag-isip ng tungkol doon.

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang paring magmimisa kay AJ at pagkatapos niyon ay nagsalo-salo sila sa konting pagkaing kanilang inihanda at nagstay sila doon ng mahigit limang oras bago nagpasyang umuwi na. Kailangan na rin kasing bumalik ni Nicos ng Maynila. Sumama lang naman siya para makilala ang mga magulang ni Alex at lalo ang kapatid nitong namatay na kilala pala niya. Nagpalipas nga lang si Nicos ng isang oras pa sa bahay nila Alex bago nagpasyang umuwi na para hindi siya masyadong gabihin sa daan. Iniwan na muna niya doon si Alex para makasama pa ng isang araw ang pamilya nito. Kasi batid niyang miss na miss na ni Alex ang pamilya nito kahit hindi ito magsalita. Tsaka linggo pa naman kinabukasan wala pa naman siyang pasok sa opisina kaya hindi pa niya kakailanganin si Alex.

“ Sigurado po ba kayo, sir Nicos na okay lang pong maiwan muna ako dito? Paano po kung may mangyari po sa inyo pauwi? ” nag-aalalang tanong ni Alex sa amo ng sabihin nito sa kanya na maiwan na muna siya para makasama pa niya ang kanyang pamilya.

“ I’ll be fine. Don’t worry, Alex. Ang importante makasama mo pa ang pamilya mo ng one more day pa. “ sagot agad ng kanyang amo.

“ Are you sure, sir? “ tanong nitong muli sa amo.

“ Yup! Im sure. I can takecare of myself. Don’t worry. “

“ Kayo pong bahala, sir. Basta po mag-ingat po kayo. Kundi malalagot po ako sa mommy ninyo. “

“ Promise, mag-iingat ako sa pag-uwi. “ wika nito at muling bumaling sa kanya. “ And please, don’t call me sir again. Di’ ba sabi ko Nicos na lang?”

“ Ay oo nga pala. Sorry nakalimutan ko. “ tatawa-tawang sabi ni Alex.

“ Basta kapag tinawag mo kong sir ulit wala ng sabi-sabi hahalikan na kita ah. “ pagbibirong saad ni Nicos habang naglalakad sila ni Alex papuntang kotse niya.

“ Loko! Siya, sige mauna ka na, Nicos para dika matraffic papauwi. Ingat ka sa pagmamaneho ha! “

“ Oo, promise. Sige, una na ko. Mag-enjoy ka dito ha! See you on Monday morning. “ paalam na wika ni Nicos at pinaandar na ang kotse nito at maya-maya lang ay umalis na ito.

Linggo na ng gabi ng umuwi si Alex sa mansiyon ng mga Salvatierra. Bago siya umuwi ay dumalaw muna siya sa kanyang kakambal na si AJ. Papaalis na siya ng may makita siyang isang bagay na nasa damuhan na malapit sa puntod ng kapatid. Isang bracelet na hindi siya nagkakamaling merong ganoong nakita na hawak ng kanyang kapatid ang mga pulis at bago makalayo ng tuluyan ay may nakita pa siyang litrato na hindi kalayuan sa puntod ng kanyang kapatid. Hindi niya sana ito pupulutin kung hindi niya nakita ang babaeng nasa litrato. Si AJ at may kasama pang isang lalake. Hindi siya puwedeng magkamali. Nakita na niya ang kasamang lalake ng kapatid niya doon —- si Mickey, ang kaibigan ni Nicos. Kanya itong pinulot at nilagay sa bag pagkatapos niyon ay may malamig na hangin na dumaan.

Habang lulan siya ng bus ay hindi niya tuloy naiwasang hindi tanungin ang kanyang sarili sa nangyari kanina. May koneksyon ba ang bracelet at litratong nakita niya sa kanyang kapatid kaya bigla na lang may malamig na hangin ang nagparamdam sa kanya pagkatapos niyon? Kanyang aalamin ang lahat basta malutas lang ang kaso ng panghahalay at pagpatay sa kanyang kapatid.

Gabi na ng makarating si Alex sa mansiyon ng mga Salvatierra. Pagbukas niya ng front door ng mansiyon ay nagulat na lang siya ng may tao pa sa salas ng mga sandaling iyon. Mga lalake, nagtatawanan habang nagkukuwentuhan. Iiwas sana siya ng daan ng hindi niya napansin na nakita na pala siya ni Nicos. Siya ay nilapitan nito.

“ Alex, nandito ka na pala. May ipapakilala ako sa iyo. Mga kaibigan ko. “ anyaya ni Nicos kay Alex.

“ Naku, Nicos huwag na. Kilala ko na naman sila eh. “ tangging sagot ni Alex dito.

“ Sandali lang, please? “ sumamo nito.

“ Sige na nga. “ sagot niya at sumama na nga sa paglapit ni Nicos sa mga kaibigan nito.

“ Guys, sandali lang. May ipapakilala ako sa inyo. “ agaw atensyon ni Nicos sa mga kaibigan.

“ Kaibigan at bodyguard ko nga pala, si Alex. “ pagpapakilala ni Nicos sa mga kaibigan kay Alex.

“ Hi! “ tipid ni Alex na bati sa mga ito habang nakangiti sa mga ito.

“ Si Mickey, si Thor, Wesley at si Brixx. Mga kaibigan ko sila. Sila Brixx at Wesley balikbayan. Kadarating lang kahapon. “ wika ni Nicos at isa-isang nakikipag-kamay sa kanya ang mga ito. Habang nakikipagkamay ang mga ito sa kanya ay titig na titig din siya sa braso ng mga ito.

Si Brixx at si Wesley naman ay titig na titig sa dalagang pinakilala sa kanila ng kaibigan. Kapwa nakaramdam ng kaba habang nakatitig dito. Kamukha kasi nito ang babaing naging parte ng kanilang buhay ng mga kaibigan.

At si Alex naman ay naagaw ang atensiyon ni Mickey kahit na nakilala na niya ito dati. Maging ang dalawang kaibigan nito na balikbayan ay naagaw din ang kanyang pansin. Dahil tiyak niya na may kakaibang naramdaman ang mga ito ng makita siya. Kung anuman iyon ay kanyang aalamin.

“ Bakit pare-pareho sila ng bracelet na suot? May koneksiyon ba ang bracelet sa kaso ng kapatid ko? Sila ba ang matagal na naming hinahanap? “ ang sunud-sunod na tanong ni Alex sa kanyang sarili ng nasa loob na siya ng kanyang kuwarto.
_________________

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Chapter 8 : My Beautiful Bodyguard

Chapter 8 : My Beautiful Bodyguard

Mula ng malaman ni Mickey ang pagkakahawig ni AJ at ng bodyguard ng kaibigan niyang si Nicos ay plinano na niya kung paano magiging malapit sa dalaga. Kailangan niyang malaman ang pagkatao nito kung bakit malaki ang pagkakahawig nito sa babaing pinakamamahal niya. Dapat talaga niyang malaman kung related ba ito sa pamilya nila AJ. Dahil kung magkataong kamag-anak ito ni AJ ay may posibilidad na may alam na ito sa mga pumatay dito. Baka naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon para maisuplong sila sa mga pulis. Hindi niya puwedeng hayaang mangyare iyon. Hindi puwedeng masira ang kanyang planong para kay Nicos.

“ Tulungan mo ko, Thor. Kailangan isa man lang sa atin mapalapit sa bodyguard ni Nicos. Dahil kung totoo ang sapantaha nating dalawa nanganganib ang mga plano ko para kay Nicos. Hindi puwedeng mabulilyaso ang mga plano ko. “ wika ni Mickey sa kapatid na tahimik lang na nakaupo at tinitingnan lang ang kanyang paroon at parito niya sa terrace ng kanilang bahay.

“ Kung bakit naman kasi gusto mo pang ituloy iyang mga plano mo. In the first place wala naman talagang kasalanan si Nicos. Hindi naman niya sinabi kay AJ na siya ang mahalin nito at huwag ikaw. Tsaka hindi naman din kasalanan ni Nicos kung siya ang mas magaling sa lahat at hindi ikaw. “ inis na sagot ni Thor sa kapatid. Kasi naman hindi talaga siya sang-ayon sa mga plano nito. Kaya lang dahil kapatid niya at mas nakakatanda sa kanya wala siyang magagawa kundi sundin ito.

“ Kung sa iyo walang kasalanan si Nicos puwes sa akin meron at hindi basta-basta iyon. Matatahimik lang ako kapag nawala na siya sa landas ko. Gawin mo na lang ang ipinagagawa ko sa iyo, Thor kung gusto mong magkasundo tayong dalawa. “ galit na sabi ni Mickey sa kapatid bago ito iniwang mag-isa sa terrace. Ayaw na niyang kausapin pa ito dahil mag-aaway lang talaga sila nito.

Simula’t simula kasi ay talagang tutol na ito sa kanyang mga masasamang balak sa kaibigan nilang si Nicos. Kaya siguro laging palpak ang mga iniuutos niyang gawin dito dahil labag iyon sa kalooban ng kapatid.

Malalim na ang gabi ay hindi pa rin dalawin ng antok si Nicos. Kaya naman nagpasya muna itong magpahangin sa labas para malibang upang pag nagtagal ay antukin na rin siya. Nagulat nga ito ng mabungaran niya si Alex na nasa garden. Tahimik itong nakaupo sa may damuhan habang nakatanaw sa madilim na ulap at mga nagkikislapang mga bituin. Nang mga oras na iyon ay parang gusto na ngang bumalik ni Nicos sa kanyang kuwarto para doon na lang magpaantok para makaiwas kay Alex. Pero naisip niya na hindi magiging normal ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa kung iiwas pa rin siya. Marahil ito na ang tamang pagkakataon upang magpansinan na sila.

“ Gabi na ah! Bakit gising ka pa? “ tanong ni Nicos kay Alex ng makalapit na siya sa kinaroroonan ni Alex na hanggang sa mga sandaling iyon ay nakatanaw pa rin sa ulap at mga bituin. Iisipin mo tuloy na nagbibilang ito ng mga bituin dahil titig na titig ito sa mga iyon. Nagulat pa nga ito ng magsalita siya.

“ Ikaw pala, sir Nicos. “ wikang sagot nito sabay tumayo at pinagpag ang suot na nalagyan ng mga damo.

“ Sana hindi ka na tumayo. “

“ Okey lang iyon, sir. “

“ Bakit ka nga pala gising pa? “ ulit nitong tanong kay Alex.

“ May iniisip lang. Hindi pa naman din kasi ako inaantok kaya nagpahangin muna ako. “ sagot niya bago nagsalitang muli. “ Ikaw, sir bakit nandito ka sa labas? Di’ ba dapat natutulog ka na kasi maaga ang pasok mo sa opisina. “

“ Hindi kasi ako makatulog eh. Kaya lumabas muna ako ng kuwarto para magpahangin. Tapos nakita nga kita dito kaya lumapit na ko. “ sagot niya dito.

“ Nakakahiya naman sa iyo, sir nakita niyo pa akong nakasalampak sa damuhan. “ tatawa-tawang wika ni Alex pagkatapos ay tumingin muli sa ulap.

“ Okey lang iyon. Para ngang ang sarap umupo ditto sa damo eh. Upo tayo ulit. Ngawit na akong nakatayo eh. “ wika nito sabay umupo nga sa kaninang inuupuan ni Alex. Matagal na siyang nakaupo doon pero si Alex ay nananatiling nakatayo pa rin. “ Wala ka bang balak umupo, Alex? Sige ka mangangawit ka sa kakatayo diyan. Upo ka na dito. “ yayang muli ni Nicos kay Alex na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin.

“ Sige na nga. “ tugon ni Alex sabay upo na rin.

Nang pareho na silang nakaupo ay katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa habang nakatingin sa mga bituin sa langit na mga nagkikislapan pa. Matagal ang katahimikang bumalot sa kanilang dalawa bago binasag ni Nicos.

“ Ano nga pala ang iniisip mo kaya hindi ka makatulog? Puwede bang malaman? Kung okey lang ha! “ wika ni Nicos habang nakatingin kay Alex na kasalukuyang nakatingin naman sa mga bituin.

“ Oo naman. “ tipid niyang sagot bago muling nagpatuloy. “ Family ko lang naman ang naiisip ko at … “ hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang sasabihin sana dahil ng kanyang masabi ang huling katagang iyon ay napahinto na lang siya at unti-unting pumatak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Kasi isa rin sa kanyang iniisip ay ang kanyang kapatid na namatay. Malapit na kasi ang anibersaryo ng kamatayan nito. Ang kamatayan nito na magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng katarungan. Pero magkagayunpaman ay hindi pa rin sila sumusuko na balang-araw ay mabibigyan din nila ng hustisya ang pagkamatay nito.

“ Bakit ka umiiyak, Alex? Tinanong ko lang naman kung ano ang iniisip mo. Stop crying naman na oh! “ tarantang saad nito ng makitang umiiyak si Alex. Bakas din sa tinig nito ang pag-aalala.

“ Sorry! Di ko napigilan ang sarili kong hindi mapaiyak. Kasi iniisip ko rin ang kapatid ko. “ sagot naman ni Alex habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi.

“ Nasaan ba kapatid mo? Bakit ka napaiyak? “ ang hindi napigilang tanong ni Nicos at muling nagpatuloy sa pagsasalita. “ Gusto mo puntahan natin siya bukas para makita mo? “

“ Salamat ha! Pero kahit puntahan naman natin siya bukas hindi ko pa rin siya makikita eh. “ wiak nito na bakas sa tinig ang lungkot.

“ Bakit naman hindi mo makikita kahit puntahan natin? Puwede ba iyon? “ nagtatakang tanong ni Nicos kay Alex.

“ Oo. Puwede iyon. Kasi patay na siya eh. Patay na ang isa kong kapatid. “ sagot niyang muli dito na hindi naiwasang hindi tumulo ang luha.

“ Sorry. Hindi ko alam. “ hinging paumanhin ni Nicos kay Alex sa kanyang nasabi.

“ Okey lang, sir. Pasensiya na kung ngiging madrama ako ngayon. “ natatawang hinging paumanhin din niya sa pagiging madrama niya.

“ I understand. “

“ Malapit na kasi ang death anniversary niya kaya nagiging madrama ako. “ paliwanag na sabi ni Alex habang pinupunasang muli ang luha niya sa pisngi.

“ Kailan naman ang anniversary niya? “

“ Next week. Sa saturday. “

“ Puwede ba akong sumama kapag dinalaw mo siya? “

“ Naku! Huwag na po, sir. “

“ Bakit naman? “

“ Mainit kasi doon eh. Mangingitim ka lang sa araw. “

“ Okey lang. Basta sasama ako ha! Gusto ko kasi siyang makilala eh. “

“ Sige, ikaw ang bahala basta kapag nangitim ka do’n huwag mo akong sisihin ha, sir. “

“ Oo naman. Tara na, pasok na tayo sa loob. Matulog na tayo. Inaantok na ako eh. “

“ Pasok na nga tayo,sir. Ako rin inaantok na eh. “ sagot ni Alex at inalalayan na ito ni Nicos makatayo para makapasok na silang dalawa sa loob ng bahay.

“ Goodnight, Alex. “ sambit ni Nicos ng nasa loob na sila ng bahay at nasa tapat na ng kuwarto ni Alex.

“ Goodnight din, sir. “ tugon naman niya na may ngiti sa mga labi. Isasara na sana niya nag kanyang kuwarto ng biglang magsalita si Nicos.

“ Wait lang, Alex. May sasabihin lang ako. Mabilis lang. “

“Ano po yon, sir? “

“ Puwede bang huwag mo na akong tawaging sir? Feeling ko sobrang tanda ko na eh. “

“ Pero …. “ tutol pa sana si Alex kaya lang sumabat na si Nicos.

“ No more buts, Alex. Just call me Nicos. Coz from now on friends na tayo. Friends? “ sabay lahad ng kamay ni Nicos kay Alex para maabot nito iyon.

“ May magagawa pa ba ako? Hmmm… Friends! “ sabay tanggap ni Alex ng kamay nito para makapag-shakehands sila nito. Ang bago niyang kaibigan.

Marami pa sana siyang gustong itanong kay Alex tungkol sa kapatid nito kung paano ito namatay kaya lang ayaw naman niyang malungkot ito ng tuluyan kaya hindi na siya nagtanong pa. Siguro sa susunod na lang. At simula din ng gabing iyon ay magkaibigan na sila ni Alex.

Kung busy ang pamilya nila Alex sa paghahanda sa death anniversary ni AJ ay gayundin si Mickey. Lahat ng kakailanganin ay inayos na rin niya. Magpapamisa rin siya sa simbahan at sa sementeryo na rin kahit siya lamang ang tao at ang pari. Ang importante ay maipagpamisa at mapabendisyunan niya ang puntod ng mahal niyang si AJ. Sabihan man siya na nasisiraan ng ulo ay wala siyang pakialam. Ang importante ay maipadama niya na mahal niyang totoo si AJ kahit patay na ito. Alam niya na hindi siya puwedeng magcelebrate ng death anniversary ni AJ sa araw mismo ng kamatayan nito kaya naman araw pa lang ng biyernes ay pumunta na siya sa sementeryo na may kasama ng pari para ipagdasal ang kaluluwa ni AJ.

“ Kuya, saan ka pupunta? Bihis na bihis ka yata? “ tanong kay Micjey ng kapatid nitong si Thor nakasalukuyang nasa sala ng mansiyon ng mga ito.

“ Aalis ako. Bakit mo tinatanong? “

“ Wala naman. Lately kasi napapnsin ko sobra kang busy. Wala pa namang masyadong ginagawa sa opisina para maging busy ka. “ sagot ni Thor na may pagtataka.

“ Sino bang nagsabi sa iyong about sa work ang pinagkakaabalahan ko? “ inis niyang wika sa kapatid habang nakapameywang dito.

“ Kung gayon saan ka abala? “ curious na tanong ni Thor sa kapatid na alam niyang inis pa rin sa kanya. Halata kasi sa pakikipag-usap nito sa kanya.

“ Kay AJ. “ mabilis na sagot ni Mickey.

“ AJ? Pero patay na si AJ,Mickey. “

“ I know. Pero kahit patay na siya. Dito sa puso ko buhay pa siya. Buhay na buhay. “

Pagkarinig ni Thor sa sagot ng kanyang kapatid na si Mickey sa kanya ay hindina siya nakasagot pa. Dahil baka kung ano pa ang kanyang masabi na siguradong ikakagalit na namannito sa kanya. Kaya naman ng matagal ng hindi nagsasalita si Thor ay nagsalita na ito.

“ Kung wala ka ng sasabihin pa mauuna na ako. Pupunta pa akong sementeryo. Death anniversary ni AJ. Pagbalik ko na lang tayo mag-usap ulit ng tungkol sa pinapagawa ko sa iyo. “ pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng tuluyan ng kanilang bahay at tumungona ito sa kotse nito.

Nang matapos na ang padasal niya sa puntod ni AJ ay umuwi narin ang pari kaya siya na lang ang nandoon sa harap ng puntod ni AJ. Ang puntod nito ay talagang pinalinis pa ni Mickey at ang puntod nito ay puno ng mga sariwang bulaklak at kandila na puro mahal talaga. Mahahalata mo pang pinaghandaan talaga nito ang araw na iyon kahit hindi iyon ang tamang araw.

“ Ayan, AJ naipagpamisa na kita at pinalinis ko pa itong puntod mo. Alam ko hindi pa sapat iyon para mapatawad mo ako sa ginawa ko at ng mga kaibigan ko sa iyo.Hindi kasi ako ang minahal mo eh. Huwag kang mag-alala susuko naman ako sa mga pulis pero hindi muna ngayon. Kailangan ko munang maisagawa ang plano ko para talagang makaganti na ako sa kanya. Alam ko kapag tinuloy ko iyon hindi mo ako talagang mapapatawad pero talagang desidido na ako sa kanya. Hindi matatapos ang taon na ito susuko na ako. Mabibigyan ka na rin ng hustisya. Tsaka baka ito na rin muna ang huling dalaw ko sa iyo kasi marami na na akong aasikasuhin sa opisina. SIguro ang susunod ko ng dalaw sa iyo kapag napatay ko na si Nicos. Alam ko ikatutuwa mo rin naman iyon kasi makakasama mo na rin siya. Pareho na kasi kayong patay. Sisiguraduhin ko iyon, AJ. Papatayin ko ang pinakamamahal mong si Nicos. “ galit na wika ni Mickey na nanlilisik ang mata sa galit pagkatapos ay tatawa-tawang tinungo ang kotse para lisanin ang lugar na iyon.

Araw ng sabado. Alas-singko pa lamang ng umaga ay bumiyahe na sila ni Nicos patungo sa kanilang bahay. Tatlong oras mahigit din kasi ang biyahe sa kanila. Ang sabi pa naman sa kanya ng kanyang inay kailangan alas-otso o alas-nuwebe nasa sementeryo na sila dahil ganoong oras lang available ang nakuha nilang pari na magmimisa kay AJ. Dahil sa sabado iyon ay walang masyadong trapik kaya naman agad silang nakarating sa bahay nila Alex ng maaga. Buong biyahe tahimik lamang silang dalawa. Gusto sana siyang kausapin ni Nicos kaya lang baka maiyak na naman ito tska halata rin kasi nito na inaantok pa si Alex. Kaya hinayaan na lang niya itong tahimik sa buong biyahe nila. Nagtatanong lang siya dito kung tungkol sa kanilang mga dadaanang lugar papunta sa kanila.

Nang makarating na sila sa bahay nila Alex ay hindi na nila naabutan pa ang kanyang tatlong kapatid at ang kanyang nanay at tatay sa kanilang bahay. Mabuti na lang may sarili siyang susi kaya nakapasok sila sa loob ng bahay nila. Ipapasok na niya muna sa loob ng kanyang kuwarto ang iba niyang gamit bago pumunta sa sementeryo. Maaga pa naman kaya tiyak niya na hindi sila mahuhuli sa misang gaganapin.

“ Nicos, pakihintay na lang muna akong sandali dito ha! Ipapasok ko lang itong ibang gamit ko sa kuwarto ko. “ paalam na wika ni Alex kay Nicos ng nasa loob na sila ng kanilang bahay.

“ Sige. Just take your time, Alex. “ saad naman ni Nicos dito habang nililibot ng mata ang kabuuan ng bahay nila Alex. Manghang-mangha ito dahil kahit na hindi masyadong kalakihan ang bahay ay ang ganda naman sa loob. Halatang alagang-alaga sa paglilinis ang bahay.

Nang si Nicos na lang ang mag-isang nasa salas ay nilibot na rin niya ang buong bahay. Hanggang sa maagaw ng kanyang pansin ang isang picture ng babae na sigurado siyang nakita na niya noon. Titig na titig siya sa picture na iyon at hindi nagtagal ay hindi na ito nakuntento pang titigan lang iyon bagkus dahan-dahan niyang kinuha ang picture ng babae at pinagkatitigan pa talaga. Nasa ganoong ayos siya ng makita siya ni Alex. Maging ito ay nagtaka sa paraan ng pagkakatitig ni Nicos sa picture na hawak nito. Hindi man niya makita kung kaninong picture ang tinitingnan ni Nicos ay sigurado siyang si AJ iyon. Pero bakit ganoon na lang ang pagkakatingin nito sa litrato ng kakambal niya.

“ Ehem.. “ tikhim niya bago nagpatuloy muli. “ Baka naman matunaw ang picture ng kakambal ko sa paraan ng pagkakatitig mo sa kanya. “ biro niyang wika kay Nicos.

“ Ka-kapatid mo-mo si-siya? “ tila gulat na gulat na tanong ni Nicos kay Alex na nagkanda-utal-utal pa.

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Chapter 7 : My Beautiful Bodyguard

CHAPTER 7 : MY BEAUTIFUL BODYGUARD

MATAPOS ANG GABING MUNTIK NG MAY MANGYARE sa kanila ni Nicos ay may nabago na sa pakikitungo nila sa isa’t isa. Kung dati ay aso’t pusa sila ngayon ay hindi na. Nag-uusap na lamang sila kapag importante at tungkol lang sa trabaho bilang mag- amo. Saka ayaw nilang pag-usapan muli ang namagitang iyon sa kanila dahil pareho silang nahihiya sa kanilang mga sarili. Dahil nga sa hiyang iyon ay ni hindi na nila magawang sulyapan ang isa’t isa kundi puro nakaw na sulyap na lamang ang kanilang ginagawa sa isa’t isa kapag hindi nakatingin ang isa o may ginagawa ang isa sa kanila.

Tulad ngayon araw ng Linggo nakabantay lamang si Alex sa may gate ng kanilang mansiyon at wala itong kamalay-malay na kanina pa niya tinitingnan ito. Mabuti na lamang ay hindi yelo si Alex dahil kung yelo ito ay kanina pa ito natunaw sa kakatitig ni Nicos na sa kasalukuyan ay nasa terrace ng kuwarto nito. Katatapos lang kasi nitong makipag-usap sa kaibigan niya. On the way na raw ito. May ipapakita kasi sa kanya itong business proposal para sa business ng pamilya nito.

Habang titig na titig siya sa dalaga ay ngayon lang niya napansin na parang may kamukha itong babae na alam niyang nakita na niya noon pero hindi lang niya matandaan kung saan niya nakita.

“ Her face is very familiar. I think nakita ko na siya dati pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. “ wika niyang sabi sa kanyang sarili ng kanya itong tinititigang mabuti.

“ Tingin ko nga rin nakita na natin siya. Kaya lang baka naman hawig lang niya? “ wika naman ng sarili niya sa kanya.

“ Maybe you’re right. Kasi kung siya nga ang nakita ko dati e, di sana noong nagkita kaming muli nito ng muntik ko na siyang masagasaan nabanggit niya iyon. Kaso hindi kaya baka nga hawig lang niya. “ pagkikibit balikat niyang sabi sa sarili at pinagpatuloy pa rin ang pagtitig kay Alex.

Habang titig na titig siya kay Alex ay bigla namang may pumaradang kotse sa harap ng kanilang gate. Agad naman niyang nakilala ang kotseng iyon. Pag- aari iyon ng kanyang kaibigan si Thor. Kapatid nitoi si Mickey. Nang makita na niya ang kotse ay agad na siyang pumasok sa loob ng kanyang kuwarto para bumaba na upang hindi na maghintay ng matagal ang kaibigan.

Papalapit palang si Thor sa may gate ng bahay ng kaibigang si Nicos ay naagaw na ang pansin niya ng babaeng nakatayo sa may gate ng mansiyon nila Nicos. Habang nakatitig siya sa babaing iyon ay nahintakutan siya. Kamukhang-kamukha nito ang isang babaeng naging bahagi ng buhay nilang magkakaibigan noong high school pa lamang sila. Dahil tuloy doon ay nagdadalawang- isip na itong bumaba. Kaya lang nakita na niya si Nicos na palabas ng bahay. Kaya bumaba na lang siya ng kotse kahit pa nakakaramdam ng takot pagkakita sa babae sa gate.

“ Alex, paki- open naman ang gate. Friend ko iyang may- ari ng kotse. Kapag nakababa na siya sa kotse niya pakisabihang sumunod na lang sa may pool. Thanks. “ wikang pakiusap ni Nicos kay Alex habang nakatayo sa may hindi kalayuan sa dalaga.

“ Opo, sir. “ tugon ni Alex at ng makasagot na si Alex ay tumalikod na si Nicos para pumunta sa may pool.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na ng kotse si Thor. Natatakot man lumapit sa babae ay wala naman siyang choice kundi kausapin ito para makapasok sa loob.

Bago bumaba sa kotse ay nag-inhale and exhale muna ito ng paulit-ulit para mawala ang takot at kabang nararamdaman nito dahil sa babaeng may kamukha sa naging nakaraan nilang magkakaibigan. Nang matiyak na niyang okey na siya ay bumaba na ito sa kotse niya at tuluyan ng lumapit sa kinaroroonan ng babae. Tahimik lang na nagbabasa ng diyaryo si Alex ng makalapit na ito ng tuluyan sa may gate.

“ Hi- hi! “ panimulang bati ni Thor at muling nagsalita. “ Friend ako ni Nicos. Nandiyan ba siya? “

Pagkasabi niyon sa babae ay sinamantala niyang pagkatitigan sa malapit ang mukha ng babae.

“ Hello! Nabanggit ka nga ni Sir Nicos sa akin. Kanina ka pa po niya hinihintay sa may pool. Gusto niyo po bang ihatid ko kayo? “ magalang na sagot ni Alex sa lalake habang nakangiti siya dito.

Laking gulat niya ng makita niyang mabuti ang mukha ng babae.

“ GOD! Kamukhang- kamukha niya talaga. “ lihim na wika nito sa sarili.

“ Okey ka lang? “ nag-aalalang tanong ni Alex sa lalake. Bigla na lang kasing natulala ang lalake ng makita nito ang mukha niya.

“ O-oo naman. May naalala lang ako. “ pagsisinungaling ng lalake at kakamot-kamot sa ulo nito. Marahil dahil sa pagkapahiya nito kay Alex.

“ Ah! Buti naman may naalala ka. Akala ko kasi natakot ka sa mukha ko. “ birong wika ni Alex sa lalake.

“ Of course not! Why should I? Ang ganda mo para katakutan. “ sagot naman ng lalake sa kanya at muling nagsalita. “By the way Im Redenthor Jimenez. Thor for short. “ pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay.

“ Im Alex. Im bodyguard here. “ pagpapakilala rin niya dito at nakipagkamay na rin.

Habang magkahawak ang kanilang kamay ay bigla na namang may malamig na hangin ang umihip sa kanilang paligid. Dahil naman doon ay bigla na lamang sabay nilang binawi ang kanilang kamay sa isa’t isa. At kahit hindi aminin ng dalawa ay may takot at kaba silang nadamang dalawa dahil doon.

“ Puntahan ko na si Nicos sa may pool ha! Nice meeting you. “ wika na lang nito.

“ Okey! Nice meeting you too. “ tugon naman ni Alex.

Nang nag-iisa na lang si Alex ay pabulong siyang nagsalita na waring may kinakausap.

“ AJ naman huwag ka namang manakot ng ganyan. Parang nakipagkilala lang eh. “ medyo natatakot n akausap niya sa kaptid. Alam niya si AJ ang malamig na hangin na iyon.

NANG MAKARATING NAMAN SI THOR SA MAY POOL ay nadatnan niya si Nicos na naglalaro ng psp nito.

“ Sorry, Nicos kung ngayon lang ako. “ bungad niyang wika sa kaibigan ng makalapit na siya at inokupa ang bakanteng upuan na naroroon.

“ Okey lang. Naglalaro naman ako dito. Ano nga pala ang ipapakita mong proposal sa akin? “ tanong naman ni Nicos ng mailapag sa mesa ang nilalaro nitong psp kanina.

“ Ito oh! Sana pumasa sa panlasa mo. “ sagot ni Thor sabay abot ng hawak- hawak nitong folder kay Nicos.

“ Sige, babasahin ko mamaya itong proposal mo. “ wika ni Nicos sabay salitang muli. “ Hows Mickey? Bakit hindi mo sinama? “

“ Gusto niya sanang sumama dito kaya lang may pupuntahan siya. May dadalawin daw kaya baka sa mga susunod na araw na lang siya pupunta dito. “

“ I see! Sige, kapag may free time tayo mag-inuman tayong lahat. Miss ko na ang ginagawa natin noong high school at college days natin. “ pagbabalik tanaw na sabi ni Nicos.

“ Kahit kaya kami miss na namin. Sige, sabihin ko sa kanila para ma-schedule natin. Maiba naman tayo ng usapan, hindi mo yata nasabi sa akin na may bodyguard na kayo. “ sambit nito.

“ Paano mo nalaman? Nasabi ba ni Mickey sa iyo? “ takang tanong nito.

“ Hindi! Ngayon ko lang nalaman. Nakausap ko kasi siya. Ang masasabi ko lang maganda siya, Nicos. Kung puwede lang ligawan siya liligawan ko talaga siya. May boyfriend ba ang bodyguard mo? “

“ Naku! Walang boyfriend iyon. “ sagot niya at muling nagsalita. “ Pero sasamain ka lang sa kanya. Kasi hindi siya babae. “

“ What do you mean? Don’t tell me your bodyguard is a gay. “ naguguluhang tanong ni Thor sa sinabing iyon ni Nicos.

“ No! Of course not. She’s not gay. She is lesbian. “ sagot niya dito ng diretso.

“ What? Are you serious? “

“ Yeah! Sinabi niya mismo iyon sa akin. “ tatawa-tawang sagot niya sa kaibigan. Nakakatawa kais itsura nito.

SAMANTALA MAKALIPAS ANG HALOS DALAWANG ORAS NA BIYAHE ni Mickey ay nakarating na siya sa kanyang pupuntahan. Nasa sementeryo siya. Dadalawin niya ang puntod ng kaisa- isang bababeng minahal niya sa buong buhay niya. Matagal- tagal na rin siyang hindi nakakadalaw sa puntod nito simula ng pumunta siya sa America. Pero kahit ganoon ay hindi ito nawala sa kanyang isip. Halos araw-araw ay tumatawag siya sa Pilipinas para utusan ang isa sa kanilang katulong na dumalaw sa sementeryo para mag- alay ng bulaklak sa puntod ni AJ. Habang naglalakad siya palapit sa puntod nito ay hindi niya maiwasang hindi maiyak. Dahil na rin sa sobrang guilty na nararamdaman niya sa pagkamatay nito dahil sa kanilang magkakaibigan.

“ Sorry, AJ kung ngayon lang ako ulit nakadalaw sa iyo. Pero ngayong nandito na ako sa Pilipinas asahan mo madadalaw na kita. “ wika nito habang inaalis ang mga damong nasa puntod nito pagkatapos ay muling nagsalita. “ Sorry talaga, AJ. Kung puwede ko lang ibalik ang araw na iyon kung saan ginawa ko ang bagay na iyon gagawin ko para itama ang lahat. Kung hindi ko sana ginawa iyon sa iyo buhay ka pa sana. Kasama mo pamilya mo at nakikita pa sana kita. Kung ako na lang sana ang minahal mo at hindi siya hindi sana ako masasaktan ng sobra. Sana kasi iba na lang minahal mo. Buong buhay ko lagi siyang nakakalamang sa akin. Pati ba naman sa iyo lamang pa rin siya. Sana hindi mo na lang sinabi sa akin kung sino ang mahal mo kaya hindi mo ako magagawang mahalin. Kasi ang sakit- sakit eh. Matagal na tayong magkakilala at alam mong mahal na mahal kita. Wala pa akong babaeng minahal ng tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Bakit siya pa ang minahal mo? Isang beses mo lang naman siya nakilala eh. Pero ako matagal na. Kahit ngayon nga wala pa ring ibang mahal ang puso ko kundi ikaw lang, AJ. Sana kasi ako na lang, AJ. Bakit siya pa na kaibigan ko na kinamumuhian ko noon pa man ang minahal mo. Dahil sa kanya nagawan kita ng masama. Dahil sa kanya naging miserable buhay ko. Huwag kang mag-alala, AJ susuko rin ako kapag nakaganti na ako sa kanya. Kapag napatay ko na siya. “ mahabang wika niya sa puntod ni AJ sabay punas ng luha at pagkatapos niyon ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa damuhan para umalis na.

HABANG TAHIMIK NA NAKAUPO SA SALA NG KANILANG bahay ang bagong dating na si Mickey galing sa pagbisita sa puntod ni AJ ay hindi nito namalayan ang paglapit ng kapatid sa kinaroroonan niya. Kadarating lang din nito galing kina Nicos. Mas nauna nga lang ito kesa kay Mickey ng kaunti.

“ Bakit hindi mo sinabi sa akin, kuya na nakita mo na ang bodyguard ni Nicos? “ walang sabi-sabing tanong ni Thor sa kapatid na ikinagulat naman ni Mickey.

“ What about her? “ kunot- noong tanong din niya ditto.

“ Bakit hindi mo sinabing kamukha ng bodyguard ni Nicos si AJ?” medyo galit na tanong ulit ni Thor sa kapatid.

“ What did you say, Thor? Kamukha ng bodyguard ni Nicos si AJ?” gulat na wika nito sa kapatd na si Thor. Dahil sa pagkakarinig na iyon na sinabi ng kapatid ay bigla na lamang ito napatayo ng walang kamalay-malay. Kasi naman hindi niya napansin masyado ang mukha ng bodyguard ni Nicos noong dumalaw siya kina Nicos noong bagong dating niya sa Pilipinas dalawang buwan na ang nakakalipas.

“ Yeah! Kamukha ni AJ si Alex. Kung bakit hindi ko alam. Nagkataon lang kaya iyon o kapatid siya ni AJ? Pero bakit parang nagulat ka ng sinabi kong kamukha ni AJ ang bodyguard ni Nicos? Di’ ba nakita mo na siya? “ takang tanong nito sa kapatid habang titig na titig dito.

“ Hindi ko kasi masyadong natitigan ang bodyguard niya ng pumunta ako sa bahay nila Nicos. Pero kung totoo nga iyang sinasabi mo na kamukha ni AJ ang bodyguard niya kailangang makita ko ng malapitan ito at kailangang makilala ko siya ng lubusan. Kailangan din makahanap tayo ng impormasyon sa pagkatao nito kung nagkataon lang na magkamukha sila ni AJ. Kasi kung kapatid ito ni AJ baka may alam na ito kaya namasukan itong bodyguard kina Nicos. Hindi puwedeng mabulilyaso ang plano natin. “ galit na wika ni Mickey sa kapatid pagkatapos ay nagsindi ito ng sigarilyo at hinithit iyon.

” Talaga bang itutuloy mo pa rin ang mga plano mo? Tingnan mo naman lahat ng pinagawa mo sa akin laging palpak. Laging nakakaligtas si Nicos. Hindi kaya iyon ang sign na dapat itigil na natin ang mga plano mo kay Nicos? ”

” No way, Thor! Ngayon pang nakabalik na ako ng Pilipinas. Kung lahat ng pinagawa ko sa iyo ay pumalpak lahat puwes sisiguraduhin kong pulido ang sa akin. At kung malaman kong kapatid nga ni AJ ang bodyguard ni Nicos mas masaya kasi sa harap mismo nito ko papatayin si Nicos at sasabihin ko pa mismo sa harap nito na si Nicos ang dahilan kaya namantay ang kapatid niya. Ewan ko lang kung hindi nito gustuhing mamatay si Nicos. ” ngising demonyong wika ni Mickey sa kapatid na si Thor habang ito naman ay nakatingin lamang sa nakangising kuya niya.

Posted in Uncategorized | Leave a comment